GORGY RULA: Pursigido ang presidente at CEO ng IBC 13 na si Kat de Castro na pagandahin ang mga programa ng bagong bihis na TV network.
Isa na rito ang travel show nilang Cooltura, na sabi ng isang executive ng IBC 13 ay ganoon pa rin ang konsepto, pero ang technical lang ang naiba dahil kumpleto na sila sa makabagong gamit, sa drone, at iba pang uri ng kamera.
Ngayong Abril 30, Martes, 7:30 P.M., magsisimula ang bagong Cooltura, na ang hosts ay sina Kevin Lapena at si Kris Tiffany Hanson.
Tampok ngayong Tuesday night ang Tanay, Rizal at ang Tinipak River.
Katapat ng Cooltura ang last part ng 24 Oras ng GMA-7 at TV Patrol ng ABS-CBN, na isa sa anchor ang ama mismo ni Kat na si Noli de Castro, at ang first part ng FPJ’s Ang Probinsyano at Kara Mia.
“Patay ako sa tatay ko!” natatawang pakli ni Ms. Kat.
Sabi lang niya, “Basta kung sawa na kayo sa mga bad news, dito na lang kayo sa good at cool na kuwento.”
Every Tuesday napapanood ang Cooltura, at may replay tuwing Sabado ng 9 P.M. at nasa Facebook din ng IBC 13.
NOEL FERRER: Ganyan talaga, nagsisimula ka sa bagay na meron kang kaalaman.
With Kat de Castro’s background in producing Trip Na Trip and Kabuhayang Swak Na Swak, plus yung background niya sa Tourism, itong show tulad ng Cooltura ang magiging hybrid na pagtatagpo at sana pagbubuo ng lahat ng kanyang natutunan sa broadcast industry.
Good luck!
JERRY OLEA: Maa-appreciate ang Cooltura ng televiewers na interesado sa ating kasaysayan at kalinangan.
Makabuluhan ang ganitong palabas. Mayroon tayong matututunan.