Halik finale, mahigpit na niyakap ng mga manonood

Gandang Gabi Vice, nakabawi sa TBATS; KMJS, panalo pa rin sa Rated K.
by PEP Troika
May 1, 2019

JERRY OLEA: Mainit ang pagyakap ng televiewers sa finale ng teleseryeng Halik nina Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby, at Yam Concepcion.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Abril 26, Biyernes, naka-30.3% ang finale ng Halik, kontra sa 11.4% ng karibal na Love You Two.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Abril 27, Sabado, naka-22.2% ang TV comeback ni Claudine Barretto sa MMK, kontra sa 19.4% ng Magpakailanman.

Number 1 program nitong weekend (Abril 27 & 28) ang Idol Philippines, 27.9% noong Sabado kontra sa 16.7% ng Daddy’s Gurl, at 29.8% noong Linggo kontra sa 12.9% ng Studio 7.

Nakabawi ang Gandang Gabi, Vice noong Linggo. Naka-11.5% ang GGV, kontra sa 7.4% ng The Boobay And Tekla Show.

Luz Valdez/Fernandez pa rin ang 18.7% ng Rated K, kontra sa 25.4% ng Kapuso Mo, Jessica Soho na consistent Winnie Monsod/Cordero.

Noong Abril 29, Lunes, naka-22.2% ang pilot telecast ng Sino Ang Maysala? (Mea Culpa), kontra sa 13.9% ng Love You Two.

Number 1 program pa rin ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, ngunit nasa line of 3 na lamang ito—35.2% noong Abril 25 (Huwebes), 35.6% noong Abril 26 (Biyernes), at 37.2% noong Abril 29 (Lunes).

GORGY RULA: Noong Abril 28, Linggo, ang nakuha kong ratings mula sa AGB NUTAM.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Talagang pinitpit nang husto ng KMJS na may 17.1% ang Rated K na nakakuha lamang ng 7.5%.

Bahagyang natalo ang TBATS na may 6%, ng GGV na 6.3%.

Kung ikumpara mo noong nakaraang linggo, tumaas ang viewership ng dalawang comedy talk show na ito.

Samantala, kung bahagyang bumaba ang FPJ’s Ang Probinsyano, hindi kaya epekto ito ng mga pinu-post ni Coco Martin sa Instagram na ikinadismaya ng karamihang fans niya?

Hinihintay kasi nila ang pahayag ni Coco tungkol sa isyu nila ni Julia Montes.

NOEL FERRER: Again, quality of the program imbes na ratings lang ang sukatan.

Para kasing nagiging magkakamukha ang mga programa—ang pagkakaiba lang ay ang presenter nito.

And which of these programs will really stand the test of time?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results