Inagaw Na Bituin, hindi umubra ang pagpalit ng timeslot?

by PEP Troika
May 2, 2019
PHOTO/S: @artistcenter Twitter

JERRY OLEA: Lumuha si Kyline Alcantara sa Kapuso Night ng Bangus Festival noong Abril 30, Martes, sa Bangusan Street Party, New De Venecia Highway, Dagupan City.

"I cried because it's my first time to announce na 3 weeks na lang ang Inagaw Na Bituin, and I saw the faces of my sunflowers, they got sad.

"Plus, the crowd of Dagupan sang along with Kinang," tweet ni Kyline nitong Mayo 1, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Ang Inagaw Na Bituin (INB) ay ang Kapuso afternoon teleserye na pinagbibidahan nila ni Therese Malvar.

Kasama ni Kyline sa naturang GMA-7 regional show ang co-stars sa INB na sina Manolo Pedrosa at Therese.

Siyempre pa, bumuhos ang suporta ng Sunflowers—tawag sa fans ni Kyline—sa kanilang idolo.

Pebrero 11 nag-umpisang ipalabas sa GMA ang INB.

At any rate, andiyan naman ang launching film ni Kyline na Black Lipstick, kung saan leading men niya sina Migo Adecer at Manolo Pedrosa.

Si Julius Alfonso ang director ng pelikula.

NOEL FERRER: It was just a matter of time bago maibaba ang final verdict sa Inagaw Na Bituin.

Nag-move ng timeslot, pero hindi pa rin ito umubra sa kalabang programa.

Para ring hindi swak ang imagery ng pag-iyak ng Sunflower. Ewan ko lang, ha!

Sayang lang, kasi kasama rin sa teleserye sina Sunshine Dizon, Marvin Agustin, at Teri Malvar na mga premyadong artistang nadamay sa pag-iyak ng Sunflowers.

Continue reading below ↓

'Til the next project na!

GORGY RULA: Lumalaban sa ratings ang Dragon Lady ni Janine Gutierrez, kahit nakakatapat pa nito ang last part ng It’s Showtime at first part ng Kadenang Ginto.

May nakabangko na rin namang drama series na panghapon na maaaring ipalit sa magtatapos na Inagaw Na Bituin.

Nandiyan ang Dahil sa Pag-ibig (Sanya Lopez at Benjamin Alves) at ang Prima Donnas.

Nagre-regional tour na nga rin ang The Better Woman (Andrea Torres and Derek Ramsay).

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @artistcenter Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results