Maledicto, higit sa P1 million ang kinita sa first day


NOEL FERRER: When asked about the opening day gross of Maledicto, our source said, “Naka-more than P1M naman, at mahina rin ang kasabay nitong The Curse Of La Llorona.

"The theaters will retain it until today and see if it picks up. Nasa Avengers: Endgame pa rin ang mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Please, let us support our local films.

I heard that the very reliable Jasmine Curtis Smith is very good in the Maledicto (as always)!

GORGY RULA: Kung naka-P1M+ ang Maledicto on its first day, may mga sinehan pa rin sigurong matitira this weekend.

Ang iba kasi, inuulit-ulit ang Avengers: Endgame kaya siguradong magtatagal ito sa mga sinehan. Sabi ni Michael V, ilang beses niyang iniyakan ang naturang pelikula.

Sana hindi madala ang Fox Philippines sa paggawa ng pelikula.

Puring-puri sila ng mga artista at production staff dahil maayos ang trato sa kanilang lahat.

JERRY OLEA: Noong Abril 20, Sabado de Gloria, nagsimulang ipalabas ang The Curse of La Llorona.

Kasabay nitong nag-open ang Dagsin, among others.

Showing na rin ngayon sa local theaters ang Dreadout at Beyond the Edge.

Sabi ng isang starlet last Monday night, April 29, sa Santolan Town Plaza, iyong mga umay na sa Avengers: Endgame ay manood na lang ng Maledicto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Mayo 8 ipapalabas ang Man and Wife (Gabby Concepcion & Jodi Sta. Maria), Sons of Nanay Sabel (Ai-Ai delas Alas at Ex-Battalion), at Tayo sa Huling Dalawang Buwan ng Taon (most anticipated 2019 movie ng fans nina Nicco Manalo at Emmanuelle Vera).

Sa Mayo 15 naman ang playdate ng Kuwaresma (Sharon Cuneta & John Arcilla) at Between Maybes (Gerald Anderson & Julia Barretto).

Ayon sa Box Office Mojo, as of April 30, Tuesday (7 days), umabot na sa $1.5B ang worldwide gross ng Avengers: Endgame.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN