Sahaya ng GMA-7, lumalaban sa ratings ng The General's Daughter ng ABS-CBN

by PEP Troika
May 2, 2019
PHOTO/S: GMA Artist Center / ABS-CBN file photo

JERRY OLEA: "Finally. Salamat po, mga Kapuso! Tuloy lang po ang suporta sa Sahaya At sa lahat ng aming mga shows.

"Iba-iba po ang handog naming palabas sa inyo.

"Thank you po at kahit paano ay nagugustuhan na ninyo."

Post iyan ng Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero sa Facebook nitong Mayo 2, Huwebes nang hapon.

Continue reading below ↓

Kalakip niyon ang NUTAM ratings para sa May 1, Wednesday, kung saan naka-11% ang Sahaya ni Bianca Umali, kontra sa 10.4% ng The General’s Daughter ni Angel Locsin sa prime-time block.

Naka-8.7% naman ang Love You Two, kontra sa 7.8% ng Sino Ang Maysala? (Mea Culpa).

Wagi ang mga Kapuso!

PERO... sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media nitong Mayo 1, Araw ng Paggawa, 25.6% ang The General’s Daughter, kontra sa 17.6% ng Sahaya.

17.2% ang Sino Ang Maysala? (Mea Culpa), kontra sa 13.3% ng Love You Two.

NOEL FERRER: Yun siguro ang maganda at honorable sa pagkakaroon ng matinong programa.

Kahit medyo tagilid ang iyong ratings, basta pinapangatawanan mo ang maayos na pagkukuwento at mahusay na acting, lalo na nina Bianca Umali at Mylene Dizon, OK pa rin iyan!

Kaya congratulations sa bumubuo ng Sahaya.

GORGY RULA: Lumalaban na rin sa ratings ang Love You Two nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Natalo ang pilot episode nito sa ending ng Halik.

Pero nang pinalitan ang Halik ng Sino Ang Maysala?(Mea Culpa), pataas nang pataas na ang ratings ng Love You Two.

Kung mae-extend nang mae-extend ang Love You Two, ibig bang sabihin ay matatagalan pa bago gawin ni Jennylyn ang Descendants of the Sun with Dingdong Dantes?

Hihintayin ba ng Kapuso Primetime King ang availability ni Jennylyn?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: GMA Artist Center / ABS-CBN file photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results