Michael V, aminadong "showbiz" ang tandem nila ng kanyang misis

by PEP Troika
May 2, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula / @michaelbitoy Instagram

GORGY RULA: Proud si Michael V na ikinuwento sa aming maganda ang partnership nila ng asawa niyang si Carol Bunagan sa itinayo nilang film production, ang Mic Test Entertainment, Inc.

Ang first venture nila ay ang pelikulang Family History na isinulat at idinidirek ni Michael V.

Siya rin ang bida rito kasama si Dawn Zulueta.

Co-production ito sa GMA Pictures, ang film arm ng GMA Network.

Continue reading below ↓

Sabi ni Bitoy, tama na masasabing showbiz ang tandem nila ng asawa niya—sa kanya ang show, kay Carol ang business.

“Very healthy, kasi gaya nga ng sinasabi ko, there are always two sides of showbiz, e. One is the show, one is the business side.

“Pagdating sa creativity, pagdating sa artistic side, ako lahat magha-handle nun. Tanungin mo ako, ako, alam ko lahat iyan.

“Pagdating sa finances, siya na lang tanungin ninyo,” pahayag ni Michael V.

Okey raw ang takbo ng production at ilang araw na lang ay matatapos na sila.

Medyo madugo na raw ang mga huling araw ng shooting kaya tinututukan nila nang husto.

So far, hindi pa raw siya nasisita ng asawa niya kung sumusobra na ang budget.

“Pag sinabi niya iyon, may problema na. So far, may mga kalabit pa lang na mahina.

"Pag naramdaman mong malakas na, ano na iyan,” napapangiting pahayag ng magaling na Kapuso comedian.

Continue reading below ↓

Bukod kay Dawn, kasama rin nila rito ang BiGuel tandem nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Naroon din sina John Estrada, Paolo Contis, Nonie Buencamino, at special guests dito sina Dingdong Dantes at Eugene Domingo.

NOEL FERRER: Siyempre, susuportahan natin itong project ng kaibigan nating si Bitoy.

Continue reading below ↓

Long overdue na ito kung tutuusin.

Iniisip ko lang, di ba’t mas may fighting chance ang pelikula kung isasali nila ito sa MMFF (Metro Manila Film Festival) sa December?

JERRY OLEA: Well, matagal nang nahasa si Michael V sa creative side ng Bubble Gang.

Looking forward tayo kung magtatagumpay ang pagdidirek niya sa pelikula.

Nawa’y swak sa panlasa ng moviegoers, lalo na sa millennials, ang kanyang style and vision bilang filmmaker.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula / @michaelbitoy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results