Kissable lips ni Gerald Anderson, highlight ng Between Maybes

IMAGE Noel Orsal


JERRY: Ibinahagi ni Julia Barretto na sobrang proud si Gerald Anderson sa movie nilang Between Maybes.

“Basta ang masasabi ko, hindi ako best in anything sa pelikulang ito—best in lips ako dito,” masayang pahayag ni Gerald sa mediacon ng pelikulang Between Maybes nitong Mayo 2, Huwebes ng gabi, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

“Sobrang ganda ng lips ko dito!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yes nang yes si Julia.

Dagdag ng 30-anyos na aktor, “Sa buong pelikula, hindi po ako nag-make up. Nag-ano lang, lip balm ako.

“So, kapag tinatawag ang make-up artist para mag-retouch, lip balm lang ang inaabot niya.

“So, in short, yung make-up artist, parang nagbakasyon sa Japan. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ang Between Maybes ay idinirek ni Jason Paul Laxamana para sa Black Sheep, at nakatakdang ipalabas sa Mayo 15.

May bagong version dito ang kantang "Your Universe" ni Rico Blanco. Ni-record iyon ni Acel, na dating bokalista ng Moonstar88.

NOEL FERRER: Good luck talaga sa mga pelikulang ipalalabas next week, pati na sa susunod pa.

Kasi, malakas pa rin ang Avengers: Endgame.

Wala bang magba-backout sa tatlong sabay-sabay na Pinoy films next week: Sons of Nanay Sabel (Ai-Ai delas Alas & Ex-Battalion), Man and Wife (Gabby Concepcion & Jodi Sta. Maria), Tayo Sa Huling Buwan ng Taon (Nicco Manalo & Emmanuelle Vera)?

Kakagatin kaya ang chemistry nina Julia at Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How will it fare versus Kuwaresma starring Sharon Cuneta & John Arcilla?

Wala naman sigurong mangyayaring punchline-an between Bea Alonzo (girlfriend ni Gerald) kay Julia, unlike his previous Miss Universe co-star.

Nagkatrabaho sina Bea at Julia sa teleseryeng A Love To Last (2017).

JERRY OLEA: Two weeks nag-shooting sina Gerald at Julia sa Saga Prefecture, Japan.

Sarap na sarap si Gerald sa mga pagkaing nabibili sa mga convenience store doon.

Kuwento pa ni Gerald, “Ako, ngayon lang nakapag-shooting or nagtrabaho or nagpunta sa isang lugar na parang lima lang yung tao. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Iyong bahay ko, o iyong bahay ni Louie [karakter ni Gerald] kunwari dito, talagang lima lang yung nakita ko.

“Isa kasi akong fisherman... isa siyang fishing village, pero wala talagang lumalabas.

“As in in-explore ko, medyo na-bore kasi ako, kapag hindi ako kasama sa eksena or ano... talagang naglalakad ako, wala talaga akong nakita.

“Pero may restaurant. Pero walang kumakain!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maniwala kayo sa akin! Ako lang saka yung P.A. ko. Kaming dalawa lang ang kumain, oo.

"Pero it was a... sobrang nagpapasalamat ako na naging ganoon yung location namin.

“Ahmm, walang distractions. Mas mabilis ko pong nakuha yung character dahil po sa environment.”

GORGY RULA: Nakakalungkot lang dahil tila bumaba na ang standard natin sa box-office, ano?

Maka-more than P1M ang isang pelikula natin sa first day of showing, puwede na sa atin 'yan.

Maka-more than P3M, blockbuster hit na iyan!

Pero okay ang trailer ng Between Maybes.

Ang ganda ng feeling mo pag pinapanood mo ang tahimik na lugar na yun sa Japan.

Magaling pa si Direk Jason Paul Laxamana.

Magaling din mag-market ang ABS-CBN, kaya medyo kampante ako sa pelikula nina Gerald at Julia.

Kahit hindi na i-promote ang kissable lips ng aktor, sarap-sarapan naman lagi ang dating niya!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN