Maine Mendoza, naging emosyunal sa party ng fans

IMAGE mainenatics on Twitter

GORGY RULA: Medyo emotional si Maine Mendoza sa post-birthday party na in-organize ng mga fans club niya at pati na rin sa kanila ni Alden Richards.

Ginanap ito sa Sequioa Hotel nitong Mayo 3, Biyernes kung saan dumalo rin ang mga magulang ni Maine at loyal fans.

May bandang nag-perform at mga cake para sa Eat Bulaga’s phenomenal star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong March 3 pa talaga ang 24th birthday ni Maine, pero ngayon lang kasi sila nagkaroon ng panahon at naisingit sa schedule ni Maine.

Masaya pa rin silang lahat kahit dalawang buwan na ang lumipas. Paulit-ulit na nagpapasalamat si Maine sa fans at lahat na patuloy pa rin daw na sumusuporta sa kanila ni Alden Richards.

Bahagi ng kanyang mesahe noong gabing iyun, “Gusto ko magpasalamat sa inyo, sa lahat nandito ngayon, sa lahat na nag-organize, sa lahat po na attendees, ang naging part ng birthday party na ito, nagpapasalamat po ako.

“Nagpasalamat ako, kasi, alam naman natin lahat na marami ang nawala. Pero nandito pa rin po kayo. Kaya nagpapasalamat po ako.”

Medyo garalgal na ang boses ni Maine bago matapos ang mga sinabi niya.

“Hindi natin alam kung ano ang mangyayari balang araw, pero nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo.

“Sa lahat na nagawa n’yo po sa akin, sa amin po ni Alden... Sa lahat po na patuloy n’yong suporta sa amin pong dalawa. Maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit individually na po ang mga ginagawa naming proyekto, nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo sa patuloy ninyong pagsuporta at pagmamahal sa amin.

“Sobrang tini-treasure po naming dalawa iyun.

“Kung ano man po ang mangyari… hindi man natin alam kung hanggang saan ang pagsuporta ninyo, kung hanggang saan ito matatapos, gusto ko lang po malaman ninyo na taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat na naipakitang suporta at pagmamahal po sa akin mula simula.

“Sobrang na-appreciate po ang presence ninyo rito.”

Medyo nagpatawa na si Maine na sinabi niyang nakakaiyak kasi ang music kaya nadala siya sa kanyang emosyon.

“Hindi ninyo masasabing umaarte ako kasi alam ninyo, hirap akong umiyak ‘pag umaarte ako,” sabi pa niya.

Bumuhos ang pagbati at pagmamahal ang ipinaabot ng fans kay Maine. Kaya nag-trending ang #MaineMendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw siyang wish pa dahil sobra-sobra na’ng naibigay na blessings sa kanya ng Diyos. Ang gusto lang daw niya ay magbigay-kasiyahan para sa lahat.

NOEL FERRER: Authentic self — iyan ang nire-represent ni Maine Mendoza sa panahong ito.

Sabihin man nilang nag-iba na ang mga tagahanga niya sa kanya, ang mainam diyan ay ang mananatili sa kanya iyung pinahahalagahan ang kanyang pagiging diretso at totoo!

Happy birthday, Maine! Masaya kami para sa iyo!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Marami pa ring ineendorsong produkto si Maine. Marami pa ring nagtitiwala sa kanya.

Tumatanggi nga siya sa mga pulitikong gustong magpaendorso sa kanya.

OK lang na nawala ang fans na na-turn off dahil kay Arjo Atayde. Hindi sapat ang pagmamahal nila kay Maine para tanggapin kung ano ang magpapaligaya sa kanilang idolo.

May movie na si Alden with Kathryn Bernardo. Awkward na may weeksary pa ang AlDub tuwing Martes. Para saan iyon?

Sana, anniversary na lang ng AlDub ang alalahanin tuwing Hulyo 16.

Huwag na iyang weeksary na iyan!

GORGY RULA: Pangatlong birthday party na pala itong ibinigay ng mga fans para kay Maine. Mamayang gabi sa 1 hotel sa QC ay meron pang 4th party na in-organize ng mga fans.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN