Randy Santiago, walang paki kina Raymart at Claudine

by PEP Troika
May 4, 2019
PHOTO/S: @randysantiagoofficial on Instagram

NOEL FERRER: “Matanda na sila, may kanya-kanya na silang buhay. Ayokong madamay pa sa kung anong isyu ang meron sa kanila.”

Iyan ang pahayag ni Kuya Randy Santiago sa nagtatanong kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Claudine Barretto sa interview kung open ba ito sa pagpasok sa FPJ’s Ang Probinsyano na, “Kung wala na si Raymart doon.”

Continue reading below ↓

Na dinagdagan pa ng pabirong, “Sana, sa akin mapunta ang sweldo, ha?!”

Ayaw na lang siguro ni Kuya Randy na makisawsaw pa lalo’t nananahimik na si Raymart na nagtatrabaho at tumatawid sa dalawang soaps kabilang na ang Starla nila ni Judy Ann Santos.

Si Kuya Randy ay nasa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime, at maraming TFC at Resorts World Manila shows—and very soon, manggugulat na lang siya at bubulaga sa teatro!!!

Yes, you heard it first here!!!

Continue reading below ↓

Randy Santiago is joining the latest season of Rak of Aegis!

Abangan ninyo kung sino pa ang ibang celebs na kasama sa bagong RAK na magsisimula very soon!!!

JERRY OLEA: OK naman ang guesting ni Claudine sa Maalaala Mo Kaya episode na pinagbidahan ni Jameson Blake.

Sana, good vibes na lang muna ngayong bumabalik si Claudine sa Kapamilya Network. Kahit nagbibiro lang siya tungkol kay Raymart, baka ma-misconstrue iyon ng iba.

GORGY RULA: Hindi na ito papatulan ni Raymart Santiago.

Kilala na niya ang dating asawa, at kilala na rin natin si Claudine na nagpapaingay lang.

Continue reading below ↓

Masaya na si Raymart sa bagong love niya, at tingin ko ay ganoon din si Claudine, di ba?

Pero... teka!

Interesado ba ang FPJ’s Ang Probinsyano na kunin si Claudine?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @randysantiagoofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results