Maghimala kaya sa teatro si Young Actor with floppey movies?

by PEP Troika
May 4, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER: Exciting pa rin ang Rak Of Aegis musical na magbabalik sa July 5.

Bukod sa pagbabalik ni Aicelle Santos at ang pagsama ni Kuya Randy Santiago, wala pang kumpirmasyon, ngunit nabalitaan din naming sasama rin sa grupo sina Noel Cabangon at Bayang Barrios. At marami pang ibang magagaling na theater actors na nakaka-excite ang pagpasok sa pinaka-successful na Pinoy musical of our time.

Meron ding kinu-consider na isang young actor na nag-audition na so-so lang ang talent sa pagkanta at pag-arte.

Ang ipinagmamalaki ng taga-back up nito ay ang following daw nito.

Sinagot ito ng mga kasama natin sa panulat: Anong following, e, parang nasubok na siya na hindi siya pinagkakagastusan ng fans niya sa pelikula dahil dalawa nang magkasunod niyang pelikula ang floppey?!

Maghimala kaya siya sa teatro?

Harinawa.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Marunong kumanta ang young actor na ito at ang guwapo. Makakatulong din siguro siya sa promo at publicity.

Sana, matanggap siya para may pa-abs tayong napapanood sa musical play na ito.

Malaking tulong din ito kay Young Actor para mahasa siya sa pagkanta at pag-arte sa entablado.

JERRY OLEA: Kahit direct-to-the point ang back-to-back na pagsemplang ng movies ni Young Actor, pinagkakatiwalaan pa rin siya. May forthcoming movie siya at harinawang umariba ito sa takilya para huwag siyang matatakan bilang jinx, or box-office poison.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results