Joshua Garcia natuwa na si Gerald ang naging leading man ni Julia

by PEP Troika
May 4, 2019
PHOTO/S: @jplaxamana on Instagram

JERRY OLEA: Katu-22 lang ni Julia Barretto noong Marso 10. Nag-30 na si Gerald Anderson noong Marso 7.

Sa pelikulang Between Maybes, nagkamabutihan sa Saga Prefecture, Japan, ang mga karakter nilang sina Hazel at Louie.

“Actually, sa story, as is naman yung age namin,” sambit ni Julia sa mediacon ng pelikula nitong Mayo 2, Huwebes sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Cmpd., QC.

Continue reading below ↓

OK kay Joshua Garcia na si Gerald ang leading man ng ka-love team niyang si Julia.

“Happy siya na si Ge [Gerald] kesa sa ka-age ko,” sambit ng young actress. “Natuwa siya.”

Ano naman ang reaksyon ni Bea Alonzo nang malaman na si Julia ang bagong leading lady ni Gerald?

Tugon ng aktor, “Galing na galing siya kay Julia. Kasi, nagtrabaho sila sa soap (A Love to Last, 2017) nila. Galing na galing siya.”

Two weeks nag-shoot sina Julia at Gerald sa Japan. Buti na lang, mas may edad ang nakatrabaho roon ni Julia.

Continue reading below ↓

Mas delikado kung kaedad niya ang kasama roon ng dalaga.

“Bakit mas delikado?” usisa ng young actress.

Sabi ng katotong Isah Red, “In two weeks time, iyon ang tinatawag na ‘in between maybes.’ Hindi ko na ie-explain ‘yon.”

“OK po,” pagngiti ni Julia.

Natatawang sambit ni Gerald, “Gets na namin!”

Sa Mayo 15 ipapalabas sa mga sinehan ang Between Maybes.

NOEL FERRER: Sana, umubra ang chemistry nila at panoorin ng mga tao even if people know that they have different partners.

With Kathryn Bernardo doing films with other leading men, and si Julia ngayon na iba na ang kapares... Plus JaDine experimenting na rin with other concepts and partners, puwede na ba tayong maghangad ng Daniel Padilla-Liza Soberano na dream tandem?

GORGY RULA: Kahit kainitan na ng promo ng Between Maybes, napapabalita pa rin ang madalas na pagpunta nina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa Zambales.

Continue reading below ↓

May resort doon si Gerald, di ba?

Sexy-seksihan nga doon si Bea kasama si Gerald. Mukhang masaya silang magkasintahan.

Off na kung intrigahin pa sina Gerald at Julia.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @jplaxamana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results