Pagkanta ni Erik Santos sa theme song ng Man and Wife, hindi nagustuhan ng composer

Erik Santos, mali ang interpretation sa theme song ng pelikulang Man and Wife?
by PEP Troika
May 6, 2019
PHOTO/S: @davidezra_c / @eriksantos Instagram

NOEL FERRER: Last week, bumulaga na lang sa atin ang rant ng musical director/scorer ng pelikulang Man and Wife na si Von sa Guzman sa kanyang social media account ng ganito:

“And that is why the composer has to be there when his song is recorded.

“First note pa lang, mali na. Nag-imbento ng melody. Mali pa ang interpretation.

“It’s either hindi narinig ng record producer iyun or wala siyang pakialam. Eh rinaket n’yo lang, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

David Ezra (left) and Erik Santos (right)

Sinundan pa niya ito ng: “Hindi matatapatan ng sino man ang malasakit ng kompositor para sa musika niya.”

With hashtags #anghuhusayniyoeh #moviethemesongrecording (with angry emoji).

Ang daming reaction ng thread na iyun pointing to the right process of serving a movie theme song.

And so, we tried getting the full story.

We gathered na nagmadali ang producer ng kanta, kasi kailangan daw ng song scoring sa cinema at online trailers kaya pina-rush kay Erik Santos ang naturang theme song.

Ang comment ay nag-imbento raw ng sariling tono si Erik na hindi nagustuhan ng composer. (Malay ba natin, marahil nagmagandang-loob din lang si Erik para kantahin ang theme song—at baka yun talaga ang instructions ng vocal coach at producer nang mag-record siya.)

Ang sabi naman ni Direk Laurice Guillen, she wanted to re-record the song para nagso-soar ang kanta na pag nilapat na sa pelikula ay magsu-soar pang lalo ang mga eksena.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang siste ay nasa Amerika pa si Erik at bumalik lang para sa ASAP kahapon.

He really couldn’t have revised what he did, because of schedule considerations—at palabas na ang pelikula sa Wednesday. Need ipa-approve sa MTRCB ang final copy ahead of time.

So, move on na... next course of action.

Production had to take another singer in the person of Dulce’s son, David Ezra.

Mukhang masaya naman ang reaksiyon ng mga taga-produksyon dito kaya napa-post pa ang Asia’s Diva na si Dulce ng “I’m sooooo proud of you anak David Ezra. I had to pause it muna on first stanza kasi unang linya pa lang hagulgol na ako anobayan!!!!! Thank you Sir Von De Guzmán. Thank you Direk Laurice Guillen.”

Sana lang, makatulong itong usaping theme song sa kahihinatnan ng Man and Wife sa takilya this Wednesday. Harinawa talaga!

Good luck!

JERRY OLEA: Sa tinagal-tagal ni Direk Laurice sa industriya, alam niya ang importansya ng theme song sa ikagaganda ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagmamadali ang producer at hindi na naimbitahan si Von para tutukan ang interpretasyon ni Erik.

Naging busy si Erik kaya hindi niya naayos ang pag-awit batay sa kagustuhan ng metikulosong si Von.

Nalutas naman ang problema sa tulong ni David.

All’s well that ends well, ika nga—as far as the theme song is concerned.

GORGY RULA: Hindi nakakatulong ang ganitong hanash na idinaan pa sa social media.

Ang mga ganoong isyu ay inayos na lang sana internally.

Nalaman pa tuloy ng mga tao na hindi pala si David Ezra ang original na kumanta ng theme song.

Okay lang ba kay Erik Santos iyan?

Keber naman siguro, as long as bayad siya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @davidezra_c / @eriksantos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results