Jo Berry, gustong makaganap ng mala-Tyrion Lannister role

by PEP Troika
May 6, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Ang daming nahuhumaling at patuloy na sumusubaybay sa Game of Thrones (GOT).

Pero isa pala sa gustung-gustong makaganap ng tipo ng role na mala-Tyrion Lannister, na ginagampanan ni Peter Dinklage, ay si Jo Berry.

Nakilala si Jo sa hit primetime series na Onanay.

Sabi ni Jo, hindi siya GOT fanatic, pero nasisilip-silip niya ang naturang serye at natuwa siyang napakalaki ng role ni Dinklage na kagaya niyang little person.

Continue reading below ↓

Umaasa si Jo Berry na makagawa ng isa pang proyektong kagaya ng Onanay.

Hindi siya nababakante dahil marami siyang guestings sa GMA-7 at kasali pa siya ngayon sa pelikulang Kiko en Lala na pinagbidahan ni Super Tekla para sa Backyard Productions.

Pero umaasa siyang makaganap ng role na tipo ni Tyrion Lannister.

“Hindi ko po siya nasubaybayan mabuti, pero alam ko yung karakter niya. It’s very important.

"Sana po, someday, mabigyan ako ng ganun ka-challenging na role.

“Gusto ko po sana ma-explore lahat na sides ng acting,” pahayag ni Jo nang nakatsikahan namin kamakailan sa set ng pelikulang Kiko en Lala.

Thankful si Jo sa Kapuso network dahil sa break na ibinigay sa kanya, nabigyan din ng inspirasyon ang ibang little people na kagaya niya.

“May mga nagsasabi rin sa akin na ibang little people na ngayon daw, pag nakikita sila ng ibang tao, hindi na kagaya before na yung tingin sa kanila at hindi sila tatawagin ng kung anu-anong name simula noong lumabas yung karakter ni Onay.

Continue reading below ↓

“Para sa akin, isang malaking bagay po yun.

"Kasi, hindi lang ang buhay ko ang naapektuhan, e, para rin sa kanila.

“Nakuha nila yung respect na kahit little people sila, hindi na ang tingin sa kanila na kagaya nung dati,” pahayag ni Jo.

NOEL FERRER: I’m sincerely happy for Jo Berry because she represents the success of little people.

Ito na ang acid test sa kanya pati na kay Super Tekla sa Kiko en Lala na, oo at meron silang loyal fans sa TV, pero gagastos ba itong fans na ito para pumunta sa sinehan at doon panoorin ang kanilang pelikula?

Good luck!

JERRY OLEA: Magkakaroon kaya ng ka-love team si Jo Berry, sa TV man o sa pelikula?

Hopefully, ma-sustain ang kasikatan niya at hindi siya maging one of those na flash in the pan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results