Bagong karelasyon ni Harlene Bautista, di pa tanggap ng kanyang mga anak?

IMAGE Jerry Olea


GORGY RULA: Hindi na itinatanggi ni Harlene Bautista ang tungkol sa bago niyang karelasyon.

Ito ay si Neil Eugenio, dati niyang kasamahan sa That’s Entertainment.

Nakita silang magkasama sa nakaraang awards night ng Sinag Maynila.


Sabi ni Harlene, open sila ngayon at masaya naman siya.

Pero hindi pa niya masabi kung tanggap na ito ng mga anak nila ni Romnick Sarmenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi pa ganoon kaano… hopefully, makarating doon sa okay na okay na,” saad ng actress-producer.

Mabait at nirerespeto raw ng mga anak niya si Neil.

Kahit sila ni Romnick ay nananatiling magkaibigan para sa kanilang mga anak.

“Actually, kahapon, magkasama kami. May program kasi sa school yung mga bata.

"So, doon kaming dalawa, okay naman.

"Then, after nun, sa kanya natulog ang mga bata. Hanggang ngayon, nandun sa kanya ang mga bata.

"At least, we’re friends, at hindi kami yung ibang naghiwalay na ayaw ipahiram ang mga bata… hindi kami ganun," pahayag ni Harlene nang nakausap namin nitong Mayo 6, Lunes, sa appreciation lunch ng Metro Manila Development Authority.

Ito ay para sa pelikulang Rainbow’s Sunset, na pinarangalan sa 52nd Annual Worldfest na ginanap sa Houston, Texas.

Ongoing na ang annulment case na isinampa ni Harlene sa Quezon City.

Bukod sa bagong love life, inspired na rin si Harlene sa paggawa ng pelikula dahil maganda ang resulta ng Rainbow’s Sunset na isinali niya sa MMFF 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat silang lahat na involved sa naturang pelikula dahil buo ang suporta sa kanila ng MMDA nang sumali sa filmfest sa Houston, Texas.

Kahapon din natanggap ni Eddie Garcia ang kanyang plake ng Best Actor na napanalunan sa Houston, Texas, dahil hindi siya nakadalo roon.

Nanalo si Manoy Eddie para sa kanyang pagganap sa Rainbow's Sunset.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-tie niya bilang best actor ang co-star niya sa Rainbow's Sunset na si Tony Mabesa.

Nanalo rin doon ang screenwriter ng naturang pelikula na si Eric Ramos bilang Golden Remi Award for Best Story Innovation at Special Jury Prize sa naturang pelikula.

Sabi ni Harlene, sana ay makagawa uli ang Heaven’s Best ng ganoong klaseng pelikula na puwedeng isali sa darating na MMFF.

JERRY OLEA: Masaya tayo para kina Harlene at Romnick na nanatiling magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak.

Nanatiling tikom ang bibig ni Harlene at hindi hinayaang pagpistahan pa ng publiko ang pribado nilang buhay.

NOEL FERRER: Nakita ko na ang sinasabi ninyong partner ngayon ni Harlene.

Ipinakilala na niya yun sa akin, pero hinayaan ko na lang iyung personal niyang buhay...

At any rate, sa Mayo 31 na ang deadline para sa script submission sa MMFF 2019.

At katulad ng pamantayang naitakda ng Rainbow’s Sunset na iprinodyus ni Harlene, sana ay maraming mahuhusay na entries ang maipasa ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa ang MMFF na sumuporta sa magagandang materyal na ipagkakapuri natin sa international film festivals.

Lalo pa’t nataon na 45th anniversary ngayon ng MMFF, at Centennial pa ng Pelikulang Pilipino.

Sana talaga, we can look forward to really good entries this year na angat sa kalidad at susuportahan ng marami nating kababayan!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN