Idol Philippines, umalagwa sa TV ratings laban sa Daddy's Gurl at Studio 7

by PEP Troika
May 7, 2019
PHOTO/S: Screen grab from Idol Philippines (ABS-CBN)

JERRY OLEA: Wagi pa rin ang Idol Philippines ng ABS-CBN nitong nakaraang weekend sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media.

Noong Mayo 4, Sabado, naka-29.6% ang Idol Philippines, kontra sa 16% ng Daddy’s Gurl ng GMA-7.

Noong Mayo 5, Linggo, naka-28.1% ang Idol Philippines, kontra 14.3% ng Studio 7.

Continue reading below ↓

Noong Sabado, naka-27.4% ang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode nina Empoy Marquez at Jennica Garcia sa ABS-CBN, kontra sa 17.4% ng Magpakailanman episode nina Jerald Napoles at Kiray Celis sa GMA-7.

Noong Linggo, naka-17.7% ang Rated K ni Korina Sanchez, kontra sa 27.9% ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naka-10% ang eviction night ng Pinoy Big Brother (PBB) Otso, kontra sa 0.5% ng Manindigan.

Naka-9.1% ang Gandang Gabi, Vice (GGV), kontra sa 9.9% ng The Boobay And Tekla Show (TBATS). Wow!

Maski sa Kantar Media, panalo ang TBATS!

At naka-1.8% ang FAMAS Awards ng Sunday’s Best, kontra sa 3.4% ng Twinkle, Twinkle Little Star sa Sunday Night Box Office.

GORGY RULA: Medyo naguluhan ako dahil sa AGB NUTAM naman, natalo ang TBATS ng 0.1%.

Nakakuha ng 5.8% ang Gandang Gabi Vice, at 5.7% ang The Boobay and Tekla Show.

Sa overlap ay nag-tie sila sa 5.7%.

Sa totoo lang, nakakaaliw ang Idol Philippines dahil kina Vice Ganda at Regine Velasquez.

Continue reading below ↓

Pinag-usapan sa social media ang isang nag-audition na sinabihan ni Regine ng "It’s the same sound…" kung saan bahagyang pinagtalunan pa nila ito ni Moira dela Torre, na may punto naman doon si Regine sa totoo lang.

Pero pinaglaruan na lang ni Vice si Regine ng “it’s the same sound” na yun.

Dapat ngang may baguhin sa katapat nitong Daddy’s Gurl sa Sabado at Studio 7 sa Linggo, para may panlaban sila sa Idol Philippines.

Tingnan natin kapag nagsimula na ang StarStruck.

Maaaring may mabago sa timeslot at tatapatan ng malakas ang singing competition na ito ng ABS-CBN.

Ilan lamang iyan sa kaabang-abang sa weekend programs ng dalawang network.

Exciting iyan!

NOEL FERRER: Ano na kaya ang gagawin ng Daddy’s Gurl para tapatan at hindi tuluyang makaalagwa ang Idol Philippines, Tito Gorgy?

At ano kaya ang gagawing remedyo ng Rated K sa pagsadsad nila sa ratings ng consistent na toprater na Kapuso Mo, Jessica Soho?

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from Idol Philippines (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results