Mr. Gay World 2017 John Raspado, di imbitado sa homecoming party ni Janjep Carlos?

IMAGE Jerry Olea / Instagram


JERRY OLEA: Pahinga na muna sa showbiz si Mr. Gay World 2017 John Fernandez Raspado.

Nakabase na siya sa Baguio City simula noong Nobyembre.

Hindi nakapunta si John sa finals ng Mr. Fahrenheit 2019 noong Marso 31, kung saan nagwagi ang 41-anyos na si John Jeffrey “Janjep” Carlos.

Kapagkuwan ay itinanghal si Janjep na 11th Mr. Gay World noong Mayo 4, Sabado, sa City Hall ng Cape Town, South Africa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasabihan nila ako two hours before. Hindi yata nila alam na nasa Baguio na ako,” sabi ng 38-anyos na si John, isa sa judges ng Mr. Continental Philippines nitong Mayo 9, Huwebes, sa CSI Mall ng Dagupan City, Pangasinan.

Walang balita si John kung nagkaroon na ng homecoming celebration o party si Janjep.

“OK lang po yun. Alam ko naman po, busy lang sila,” nakangiting sambit ni John.

“Siyempre, kanya-kanyang panahon po iyan. So, I guess my time has come and passed.

“Isa na po akong brand marketing specialist for New Placenta by Psalmstre since last month.”

Bakit nagpasya siyang manirahan sa Baguio?

“Wala na po kasi iyong isang kapatid ko, nag-abroad, so wala pong magbabantay sa mommy ko at saka sa kuya kong maysakit,” paliwanag ni John.

“Hindi ko po muna option na pumunta ng Maynila para iano ang showbiz dahil wala talagang mapag-iiwanan sa mga kapamilya ko.”

GORGY RULA: Mapangahas itong bagong hirang na Mr. Gay World 2019 na si Janjep Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang hilig niyang mag-post ng mga hubad niyang litrato sa social media na minsan ay kasama pa ang lover niya.

Ilang beses ko rin siyang nakasabay mag-gym at kapansin-pansin ang ilang bading na sumasabay sa kanyang mag-sauna.

View this post on Instagram

Its so nice to be here in CapeTown ???????? #southafrica #capetown

A post shared by janjep carlos (@janjep) on

NOEL FERRER: Ayos na ba at on speaking terms na sina John Raspado Fernandez at Nelson Canlas ng GMA-7? Sana naman.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN