Fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, nagpapatalbugan?

by PEP Troika
May 9, 2019
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA: Ewan kung tama itong obserbasyon ko...

Ang nakikita ko kasing madalas nagti-trending—bukod kina Kathryn Bernardo at Maymay Entrata—ay sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kahit nandiyan pa rin ang weeksary ng AlDub Nation tuwing Huwebes, may kanya-kanya nang ipinu-post ang fans ng dating magka-love team.

Continue reading below ↓

Nag-number one ang hashtag na #MaineBenchEveryday.

Tingin ko, gustong ipangalandakan ng fans ni Maine na marami pa ring produktong iniendorso ang phenomenal star ng Eat Bulaga!.

Ito ay kahit hindi na siya ni-renew ng isang brand ng ice cream, kung saan si Kathryn na ang kasama ni Alden.

May mga nagpu-post ding siyam pa ang produktong iniendorso si Maine.

Ang huling ini-launch ay ang isang brand ng deodorant.

Trending naman ngayong Mayo 9, Huwebes, ang hashtag na #SafeSkiesAlden dahil lumipad ang Pambansang Bae patungong New York para sa show ng GMA Pinoy TV roon sa Mayo 9.

Nabasa rin namin kamakailan ang patalbugan ng fans nila sa fastfood franchise na pag-aari ng dalawa.

Napabalita kasing napakalakas ng kabubukas lang na outlet ni Alden sa Biñan, Laguna.

Ayon sa ilang source namin, mahigit P400K daw ang benta nito sa loob lamang ng dalawang araw.

Pero may ilang fans ni Maine ang nag-react at sinabing mas malaki raw ang benta ng outlet nito sa Sta. Maria, Bulacan.

Continue reading below ↓

Mas maliit pa raw ang outlet ni Maine kung ikukumpara sa malaking lugar ng kay Alden.

May ganoon na silang patalbugan, kaya nakikita talagang nagkakanya-kanya na ang fans nina Alden at Maine.

Tuluyan na kayang nahati ang AlDub Nation?

Kanino kaya napunta ang karamihang fans na tumiwalag na sa ADN?

JERRY OLEA: Ika-199 weeksary ng AlDub Nation ngayong Mayo 9, Huwebes.

Meron pa rin silang pa-hashtag na nagte-trending kaugnay rito.

Kailangan pa bang pagkumparahin ang kani-kanyang food-chain franchise nina Alden at Maine?

Pagsasabungin pa ba sila sa mga produktong iniendorso?

Basta, ngayon pa lang ay inaabangan na natin kung paano sisiklab ang KathDen tandem sa takilya!

GORGY RULA: Ngayon pa lang ay inaayos na ng fans nina Kathryn at Alden ang block screenings na ii-sponsor nila para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Ang latest na nabalitaan namin ay sa July na ipalalabas ang KathDen movie.

NOEL FERRER: Nakita ko na ang print material ng KathDen ice cream commercial.

Continue reading below ↓

Kinilig ang mga kasama nila at mukhang OK naman, lalo pa’t sponsor yata ang ice cream brand sa kanilang pelikula.

At least, covered na ang cost, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results