Paboritong apo ni Lolo Rudy Francisco na si Karen, di nakalimutang dumalaw sa burol niya

IMAGE Jerry Olea / RS Francisco Instagram

JERRY OLEA: Minasama ng ilang internet trolls ang pagpupugay ng McDo kay Atty. Rudy Francisco, 96. Kesyo patay na ito, ginagamit pa!

Si Rudy ang gumanap na "lolo ni Karen" sa sikat na McDo commercial na lumabas noong '90s.

“No! Hindi naman! Hindi! Hindi!” bulalas ng anak niyang si RS Francisco sa huling gabi ng lamay ni Lolo Rudy, Mayo 10, Biyernes, sa Immaculate Conception Cathedral, Lantana St., Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s actually showing talaga na, ‘Si Lolo meant a lot to us.’

"Nag-post sila sa Facebook, at ang daming shares, ha?

“'Tapos, reading the comments... andaming nagpapasalamat.”

Pagdidiin ni RS, “McDo has always been supportive of my dad.

"Pag may medical mission noon si Dad, like libreng tuli or bunot ng ngipin, nagpapadala ang McDo ng pagkarami-raming toys for children.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala ang McDo ng flowers, goodies at sandamukal na hamburger sa lamay ni Atty. Rudy, ang kanilang paboritong lolo.

Nabigyan kaya ng kalahating burger ang paboritong apo ni Atty. Rudy na si Karen?

Sabi ni RS, “Si Karen [de los Reyes] dumaan na. Kanina. Siguro, mga 5:00 or 6:00 [P.M.].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto, o, ito ang ipo-post ko mamaya sa Instagram."

View this post on Instagram

Someone wants to say hi to you! Dad.. I love u dad.. ????

A post shared by ????????????????????????? ???????????????????????????????????? (@rsfrancisco888) on

Kumusta na si Karen?

“May anak na. One year old ang anak. 'Tapos, lungkot na lungkot nga rin siya.

“Siya na lang yung hinihintay namin na pumunta. So, noong pumunta, OK na.”

E, si Gina? Sino ba ‘yang Gina na ‘yan?

“Wala. Fictional lang si Gina,” napangiting sambit ni RS. “Ako yung totoong Gina.”

NOEL FERRER: Enough of the hate and trolling.

On the contrary, gusto ko ang brand na ito, at ang campaigns nila ay may class at subtlely.

Love ko ‘to talaga.

Taus-puso ang ating pakikiramay sa pamilya ni RS.

JERRY OLEA: Ngayong Mayo 10, Sabado, 1:00 P.M. ang Final Mass sa Immaculate Conception Cathedral, na susundan ng inurnment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nabago ang schedule? Ang una nilang announcement ay Mayo 11, Linggo, ang Final Mass.

Kasi, dapat, Sunday talaga,” matamang kuwento ni RS.

“E, siempre, ngarag na kami, hindi kami makaisip. Kagabi, may isang visitor, lumapit sa amin.

“Sabi, ‘RS, aware ka ba, na sa Sunday, libing ng daddy mo is also Mothers’ Day?’

“Sabi ko, ‘Pasensiya na po kayo, hindi na umaandar ang utak namin. Pero... teka... wait...’

“So, minove po namin. Ginawa naming Saturday.”

Mahirap na i-move ang inurnment sa Mayo 13, Lunes, araw ng halalan.

“Election, magulo. Lalo na dito, maraming tao. Kasi, eskuwelahan ito,” natatawang sambit ni RS.

“Saka gusto ko rin naman, Mothers’ Day, mag-celebrate naman kami ng mom ko.

“Gusto ko, masaya naman si Mom.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GORGY RULA: Malamang na masayang pumanaw si Atty. Rudy dahil nasa mabuting kalagayan na ang kanyang mga anak, lalo na si RS na napaka-sucessful ng negosyo at showbiz career.

Pumanaw siyang nag-iwan ng masayang alaala at magandang aral sa commercial ng McDo.

Nakikiramay po kami.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN