Gwen Zamora at David Semerad, engaged na; lalaki ang magiging anak

by PEP Troika
May 11, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Therese Ramos

GORGY RULA: Napalundag sa sobrang tuwa ang basketbolistang si David Semerad nang nalamang baby boy ang ipinagbubuntis ng girlfriend niyang si Gwen Zamora.

Masaya ang lahat na dumalo sa Gender Reveal Party nitong Mayo 10, Biyernes, sa Mr. A’s bar sa Seascape, Pasay City.

Natupad kasi ang gusto ng magkasintahang David at Gwen na baby boy ang kanilang magiging anak.

Continue reading below ↓

May pangalan na sila agad sa baby: Cooper John.

Ang sister ni Gwen na si Thea Jimenez ang nag-ayos ng naturang party, dahil siya lang ang nakaalam ng gender ng baby.

Walang kaide-ideya ang magkasintahan kaya sobrang na-surprise daw sila.

Pero ang dagdag pang sorpresa sa naturang party ay ang pag-propose ni David sa aktres.

Dumalo rin kasi ang magulang ni David na kararating lang mula Australia.

Ang daddy ni David ang nagdala ng throw pillow na niluhuran ng basketbolista, at ang kapatid ni David na si Anthony ang nag-abot ng singsing.

Kaya sobrang tuwa ni Gwen, na pitong buwan nang ipinagbubuntis ang kanilang first baby.

Sa August 18 ang expected due date ni Gwen.

Paplanuhin daw nila ang kasal pagkatapos niyang manganak.

JERRY OLEA: Biyaya ang baby kina David at Gwen.

Inaasam natin na lalong tumibay ang kanilang pagmamahalan.

NOEL FERRER: Ow, sila na pala talaga? Congratulations naman!

Teka, curious pa rin ako, ano ang nangyari kay Gwen at sa dati niyang partner na si Jeremy Marquez?

Continue reading below ↓

Just asking....

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Therese Ramos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results