Anton Diva, malaki ang pasasalamat kina Regine Velasquez at Vice Ganda

by PEP Troika
May 11, 2019
PHOTO/S: Anton Diva Instagram

GORGY RULA: Malaki ang pasasalamat ng singer at stand-up comedian na si Anton Diva dahil hindi siya nahirapang pakiusapan sina Regine Velasquez at Vice Ganda na mag-guest sa kanyang first major concert na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa June 15.

Anton Diva: Shine XXII AD ang title ng concert na bale first production ng comedian-politician na si Teri Onor.

Continue reading below ↓

Isinantabi muna ni Teri ang kanyang political career dahil matatapos na ang term niya bilang Board Member ng Abucay, Bataan.

Binuo niya ang kanyang production outfit na Teri Onor Entertainment Services o TOES kung saan magpu-produce siya ng concerts at indie films.

Gusto niyang ipag-produce ng concert si Anton Diva, na naging kaibigan niya mula nang nagsimula ito sa Library noong 1998, kung saan si Teri pa raw ang nagbabantay sa entrance.

Si Teri raw ang pinapakiusapan ni Anton na ipasok siya nang libre, na pinagbibigyan ng una basta kantahin lang daw nito ang mga awitin ni Regine.

Paulit-ulit na nagpapasalamat si Anton dahil naging mabait sa kanya si Regine at napaka-supportive sa kanya noon pa, at si Vice Ganda na nakasama niya at kaibigan sa comedy bars na pinagtatanghalan nila.

Sabi ni Anton, “Yung pressure naman, hindi nawawala iyan, e, kasi lagi talaga akong tensyonada.

“Pero seeing her [Regine] again and being with her again on one stage for the nth time, it’s a pleasure for me… ako talaga ang nasa cloud 9.

Continue reading below ↓

“Sobrang fan pa rin ako, na-starstruck pa rin ako.

“She’s very supportive talaga, e,,” pahayag ni Anton tungkol sa Asia’s Songbird.

Kay Vice naman, naghintay lang daw siya ng tamang timing na pakiusapan itong mag-guest dahil noong panahong yun ay kamamatay lang ni Chokoleit.

“Baka mali yung timing, e.

“Bumilang ako ng mga dalawang araw, yung first wake ni Chokoleit sa Antipolo was the night na napapayag namin si Vice.

"Siguro meron ding ano si Chokoleit,” sabi ni Anton.

Hindi raw pinag-usapan ang talent fee sa guesting nina Regine at Vice sa concert ni Anton.

Maggi-guest din sina Michael Pangilinan, Raging Divas, Ms. Q&A 2019 Mitch Montecarlo Suansane, at Jewel Jhonson.

JERRY OLEA: Nagkasama-sama sina Vice Ganda, Anton Diva, at Teri Onor sa huling gabi ng lamay ni Chokoleit noong Marso 14, Huwebes, sa Paket Santiago Funeral Homes, Marcos Hi-way, Antipolo City.

Continue reading below ↓

Matapos ang misa ni Very Rev. Fr. Roderick Maglonzo Yneco, DD, nag-host ng programa si Anton Diva kung saan nagpugay ang closest friends ni Chokoleit na sina Vice, Pokwang, Pooh, at K Brosas.

May raket pa si Anton Diva kaya nagpaalam muna siya.

Hindi niya mabuo ang pagkanta ng "Leader of the Band." Tatlong beses natigil ang background music.

Later on ay dumating si Teri. Bumalik si Anton ng madaling-araw para sa primetime show ng stand-up comedians sa Mahal Na Reyna (MNR), taguri kay Chokoleit.

3:23 A.M., tuluy-tuloy na nakanta ni Anton Diva ang "Leader of the Band," habang nanonood sina Vice, Teri, at sandamukal pang mga kaibigan, kakilala, kapamilya at usisera.

NOEL FERRER: Kasama ako sa Vicor Records nang gumawa ng unang recording si Anton Diva with songs like "Boy," "Ayoko Na Sana," and "We Could Have It All."

Noon pa man, magaling na siya. Excited akong mapanood siya sa major concert na ito!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Anton Diva Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results