RS Francisco, tanggap ang pagkamatay ng ama; ina ni Kara David, pumanaw na

by PEP Troika
May 12, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA: Maluwag sa kalooban na tinanggap ni RS Francisco ang pagpanaw ng ama niyang si Atty. Rudy Francisco, 96, noong Mayo, 8, Miyerkules.

Teka! Ba’t lumabas noong una na 93 years old ito noong pumanaw?

“Ninety-six.... 96!” bulalas ni RS nang mainterbyu namin sa huling gabi ng lamay nitong Mayo 10, Biyernes, sa Immaculate Conception Cathedral, Lantana St., Cubao, QC.

Continue reading below ↓

“Kasi, mali yung nasasabi ko. Ang totoo pala, 96.

“Fake news ako, e!” natatawang sambit ni RS.

“Dati, akala ko, 93. Sabi ko sa mom ko, 93. ‘Anong 93? 96 ang tatay mo!’ Sorry... Sorry!

“Sa lahat ng mga nasabihan ko ng 93, sorry po. Fake news! 96 po ang tatay ko!

“So, yun yung happy ako dahil yung dad ko is now stronger. He can do whatever he wants now in heaven. “And he’s watching over me.”

May nakalimutan ba siyang sabihin sa kanyang ama?

“Palagi kong sinasabi sa kanya, ‘I love you.’ I always tell him, ‘I love you. I’ll take care of mom. Don’t worry'.”

Hindi rin alam ni RS ang eksaktong edad ng kanyang ina. “Basta, eighty-something,” pakli pa niya.

NOEL FERRER: Habang nagaganap ‘yan kay RS Francisco ay may kapareho ring tadhana ang nanay ni Kara David na si Karina Constatino David.

Continue reading below ↓

Pumanaw si Karina, asawa ni Randy David, noong May 7. Siya ay 73.

Si Karina ay kasapi ng singing group na Inang Laya, bukod sa isang kilalang social activist.

Hinintay talaga si Kara na galing sa ibang bansa at ngayo’y nagaganap naman ang burol sa Dela Strada Parish Chuch sa Katipunan Road malapit sa UP Diliman.

Nagsilbi sa marginalized sector ng lipunan si Karina.

Noong nagkaroon ng pagkakataong umupo sa gobyerno ay lalo pa niyang itinaguyod ang mga isyu at pangangailangan ng mga mahihirap.

Marami nang lider ng ating bansa at mga makabayang nasa basic sectors ang nagbigay-pugay kay Ma’am Karina.

Ngayong Linggo, Marso 12, kakaibang Mother’s Day ang kanilang ipagdiriwang.

Bilang kilalang pagpapasimuno sa mga pagbabagong panlipunan, hangad na pamilya na kasabay ng paglaya ng kanyang kapamilya sa sakit, ibayong paglaya ang marasanan ng ating Inang Bayan.

View this post on Instagram

Salamat po sa inyong pakikidalamhati. Salamat po sa inyong pagmamahal sa aming minamahal na Karina ??

A post shared by Kara David (@karapatria) on

JERRY OLEA: Maging ang kanyang ina at kapatid ay tanggap ang pagpanaw ni Atty. Rudy.

Continue reading below ↓

“We told the doctors, ‘Do not resuscitate.’ Ayaw naming makita na ginaganyan niyo,” pagmuwestra ni RS ng pagre-revive.

“Na sini-CPR ninyo. Kasi... he’s 96. Kung ma-revive niyo man, he’s gonna be a vegetable.

“So, parang pino-prolong lang namin. Iba kasi ‘yan, kunwari, 20 years old. Iba yun! Kung 20 years old, gawin natin lahat ‘yan!

“Pero kunwari 96, tapos, hirap na... and for the past, I think, four or five years, bedridden na, I think he’s much happier in heaven with wings and stronger.

“Ganun talaga yung ano ko. So, I’m very happy! I’m ready!” bulalas pa ni RS.

Napangiti nang matamis si RS, “I’m happy that dad taught us so many things.

“My dad never said a bad word in his life. Some people don’t believe, parang feeling nila, naglololoko ako...

Continue reading below ↓

“But my dad never said gago or tanga. He always told me, noong bata ako, ‘Kung wala kang magandang sasabihin, huwag ka na lang magsalita.’

“E, hindi ko magawa!

“Award yun! Iyon ang award talaga! Iyon ang isang turo ni Dad na hindi ko masyadong nagagawa kaya award ‘yon talaga.

“So, for Dad, thank you talaga sa lahat. Thank you. Marami siyang itinuro sa akin na naa-apply ko ngayon.

“And he’s been strong. He’s always been very strong.

“Ang pinakatampo ko lang talaga sa daddy ko ay hindi niya ako binigyan ng magandang ilong, kasingganda ng ilong niya.

“Parang, bakit hindi mo ibinigay sa akin ‘yang ganyang ilong? At yung cleft chin mo, natural!

“Iyong baba ko, implant. Doon ako naaano sa daddy ko. Sana, ipinamana mo sa akin ‘yan!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results