Sino ang bet ng dating Darna na si Lorna Tolentino na maging bagong Darna?

by PEP Troika
May 12, 2019
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: OK kay Lorna Tolentino sakaling si Nadine Lustre ang mapiling Darna sa trilogy movie na gagawin ng Star Cinema.

“Napanood ko yung [pagsigaw niya ng] ‘DARNA!’ Iyong ganun niya. Nice!” sambit ni Lorna nang uriratin ko sa mediacon ng Beautederm nitong Mayo 11, Sabado, sa Seda North Vertis, QC.

“Pero siyempre, andami yatang nag-o-audition for that, coz Darna is Darna!

“Di ba? Lahat, gustong mag-Darna.”

Continue reading below ↓

1977 nang mag-Darna si Lorna sa Channel 9.

Sa pagkakatanda ni Lorna ay 14 anyos siya nang gawin ang 12 episodes ng TV series niyang iyon.

Hindi na niya maalala kung sino si Ding at kung sino ang leading man niya roon.

“Ako yung unang Darna na naka-bathing suit!” napangiting bulalas ni Lorna.

“One-piece bathing suit. Hindi bikini.”

Hindi sigurado si Lorna kung siya ang unang Darna sa TV.

“Natatakot nga ako noon. Na-retain sa akin... kasi, hindi ko nadaya yung pagpukpok doon sa guy [stuntman],” seryosong lahad ng grand slam beauty.

“Napukpok ko siya. Hindi naman namatay. Nagbukol lang.

“So, traumatic sa akin noong bata ako.”

Wala siyang dobol kaya tinamaan niya yung stuntman.

Naka-chroma ang “paglipad” niya noon bilang Darna.

Kuwento ni Lorna, “Naka-blue ang background. Walang harness noon! Walang harness.

"Kaya parang nakaano ka rin sa blue na lamesa! Blue na lamesa rin!

Continue reading below ↓

“Nakahiga ka. Pero naka-dangle iyong paa mo, saka iyong kamay mo. Aba! Mahirap din yun, ha?!

“Na-enjoy ko naman iyong 12 eps na yun. Nineteen forgotten na nga yun!

“Wala na akong nakitang kopya ng 12 eps na iyon. Ang meron lang, iyong picture ng suot ko, iyong outfit, i-Google ninyo.

"Ang alam ko, nakapula ako noon. Na-publish siya sa isang magazine.”

Continue reading below ↓

Maliban kay Nadine, sino pa ang bagay mag-Darna?

“Ang dami raw nag-audition, e. Palagay ko, kailangan meron din silang [socmed] post kagaya ng kay Nadine,” sabi ni Lorna.

Dapat sana ay magkakasama sina Lorna at Nadine sa isang horror movie, na kukunan sa Japan at ididirek ni Perci Intalan.

Hindi alam ni Lorna kung ano ang nangyari sa nasabing project.

Willing si Lorna na ituloy iyon, pero sa ngayon ay malabo pang magawa niya iyon dahil nakakontrata siya sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano hanggang Setyembre.

Sa 2005 TV series ng GMA-7 na Darna starring Angel Locsin, nag-guest si Lorna bilang Queen Adran.

Ang kapwa Beautederm endorser ni Lorna na si Marian Rivera ay nag-Darna sa Kapuso TV series noong 2009.

NOEL FERRER: Lorna seems to be riding on a career high now with a very significant exposure sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi matatawaran ninuman ang kanyang husay sa pag-arte sa loob ng limang dekada.

Continue reading below ↓

Hangad ng Megastar Sharon Cuneta na makatrabaho siya ulit sa pelikula nang maulit ang kanilang pagsasama bilang kontrapelong magkapatid sa Nakagapos Na Puso (1986).

That’s LT for us, in touch with her reality and will say things as they are.

WYSIWYG! What you see is what you get!

GORGY RULA: Ang dami nang natatakot sa Darna na iyan, ha? Parang nababantilawan na raw kasi.

Hindi ko na alam kung paano pahabain ang publicity niyan hanggang sa may napili silang gaganap at sa showing nito.

Kuwento ng ilang kakilala ko, meron daw grupong nagse-survey na nag-iikot sa mga paaralan at palengke sa Sampaloc.

Nagtatanong kung sino sa tingin nila ang nababagay na mag-Darna.

Karamihan daw sa kanila ay sina Angel Locsin at Maine Mendoza ang sagot.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results