Sharon Cuneta, ayaw makipag-compete sa movie ni Julia Barretto

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Masama ang loob ni Sharon Cuneta na magkasabay sa Mayo 15, Miyerkules, ang showing ng horror movie niyang Kuwaresma at ng movie ni Julia Barretto na Between Maybes.

Gumanap silang mag-ina sa pelikulang Unexpectedly Yours na ipinalabas noong 2017.

“Bakit kasabay ko si Julia?

“Hindi naman niya kasalanan. Hindi namin kasalanan na lalabas,” himutok ng Megastar nitong Mayo 11, Sabado nang gabi, sa radio program na Level Up Showbiz Saturdate with Noel Ferrer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, dapat nagsusuportahan ang mga pelikulang Pilipino.

“Ako, I tell them, meron pa bang mga horror na lalabas?

“Basta kung kakayanin ninyo, lahat panoorin ninyo. Kasi, pelikulang Pilipino.

“Kung hindi, puro Hollywood movies na lang ang maaasahan ninyo. Wala na tayong sariling atin, paano na kami?

“Paano na ang mga workers sa pelikula? Ang dami na ngang walang trabaho ngayon e, di ba?”

GORGY RULA: Aminado kasi si Sharon na love niya talaga si Julia, kaya ganoon ang nararamdaman niya.

Bawi naman niya, magkaiba sila ng genre at pati na rin sa audience, kaya inaasahan niyang parehong tatangkilikin ang kanilang pelikula.

Natutuwa siyang magaganda na ang mga pelikula natin ngayon dahil na rin siguro sa mga magagandang katapat na Hollywood films.

Nakikitang napilitan na rin daw ang local movie producers na gumawa ng mga magagandang pelikula dahil na rin sa patuloy na pagsuporta ng mga tao sa Hollywood films.

Proud si Sharon sa ganda ng Kuwaresma at nakakadagdag pa sa excitement niya dahil sa sobrang pagkahilig niya sa mga horror films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon lang din daw siya nakagawa ng ganitong klaseng pelikula, kaya nagswak sa kanya at maganda raw talaga ang kinalabasan.

Kaya gustung-gusto pa niyang gumawa uli sa Reality Entertainment, kahit may mga nakaplano pa siyang gagawin sa Viva, sa Regal at sa Star Cinema.

NOEL FERRER: Nakikita rin ni Sharon ang posibilidad na gumawa ulit ng pelikula with JoshLia, pati na rin with Judy Ann Santos at Lorna Tolentino ulit.

Given the chance, gusto rin niyang magka-movie project with Ate Guy and Ate Vi, pati rin with Maricel Soriano. 

“It would also be nice if I can make a movie with KathNiel,” aniya.

So far, paggawa ng marami pang pelikula ang tuon niya with offers from Reality Films, Regal, Viva and Star Cinema.

Sana talaga, kumita nang husto ang Kuwaresma para mas ma-inspire pa ang isang “indie” producer like Reality na gumawa ng mas maraming de kalidad na pelikula.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN