Gwen Zamora at David Semerad, sa Boracay magpapakasal

by PEP Troika
May 13, 2019
PHOTO/S: @gwenzamora Instagram

GORGY RULA: Tingin ni Gwen Zamora, after a year pa sila magpapakasal ng fiancé na si David Semerad.

Magpo-focus muna sila sa kanilang magiging baby boy pagkasilang nito.

Magpapayat pa siya at saka na nila paplanuhin ang wedding sa Boracay.

“Doon kasi na-conceive ang baby namin,” pakli ni Gwen nitong Mayo 12, Linggo.

Continue reading below ↓

Sandaling natigilan ang aktres nang tinanong ko kung wala ba siyang naramdamang takot pagdating sa planong pagpapakasal dahil sa pagkaudlot ng wedding dapat nila noon ng ex-boyfriend niyang si Jeremy Marquez.

“Puro excitement ako, e, because iba talaga yung feeling ko this time.

“Iba yung happiness ko. Iba rin yung happiness na nararanasan ng mga friend ko, family ko. They’re all happy for me,” sagot ni Gwen.

Malaking bagay ang suporta ng kanilang pamilya, lalo na’t excited ang lahat sa pagdating ng baby boy nilang si Cooper John.

May naisip na silang kukuning mga ninong at ninang, pero ayaw pa muna niyang sabihin sa amin.

“Meron na talaga kaming gustong kunin, pero hindi pa talaga nakumpleto,” pahayag ni Gwen.

JERRY OLEA: Na-impress ako kay Gwen sa pagganap niya sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral bilang Remedios Nable Jose, ang tunay na pag-ibig ni Heneral Gregorio del Pilar (Paulo Avelino).

Continue reading below ↓

Mukhang maisasantabi muna ni Gwen ang acting career upang pagtuunan ng pansin si David at ang magiging anak nila.

Sana, ipagpatuloy ni Gwen ang pag-aartista sa tamang panahon o pagkakataon.

NOEL FERRER: OK lang naman si Gwen kung meron pang ibang pagkakaabalahan kasabay ng kanyang pagnananay.

Read Next
Read More Stories About
Gwen Zamora, David Semerad
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @gwenzamora Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results