JK Labajo at Maureen Wroblewitz, magka-date sa premiere night ng Kuwaresma

by PEP Troika
May 14, 2019
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA: Puno ang Cinema 1 at 2 ng SM Megamall na pinagdausan ng premiere night ng pelikulang Kuwaresma ni Sharon Cuneta nitong Mayo 13, Lunes.

Maraming celebrities ang dumalo para sumuporta kina Sharon at Reality Entertainment producers na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

Ilan sa mga dumating ay sina Zsa Zsa Padilla, Iza Calzado, mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, Dra. Vicki Belo, Jerome Ponce kasama ang kasintahang si Mika Reyes, at si JK Labajo kasama si Maureen Wroblewitz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami tuloy ang nagdududang may namamagitan kina JK at Maureen.

Lalo pa't una nang napabalitang magkasamang nagbakasyon sa Boracay noong nakaraang Semana Santa.

Magkasama sila uling dumating sa premiere ng Kuwaresma, pero bago natapos ang screening ay naunang umalis si JK at sumunod si Maureen.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi sila nagsalita tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa.

Pero sabi ng mga taga-Prima Stella na nagha-handle sa career ni Maureen, talagang close lang daw ang dalawa at kampante sila sa isa’t isa dahil pareho silang may German blood.

JERRY OLEA: Sikat na sikat pa rin ang kantang "Buwan" ni Juan Karlos “JK” Labajo.

Naka-113M views na sa YouTube ang official music video nito.

Sa Pilgrimage Island ng Hundred Islands (Alaminos City, Pangasinan) nitong Mayo 8, Miyerkules nang tanghali, may mga binatilyo sa bangka na biglang bumanat ng “Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan...”

Saka sila biglang tumalon sa tubig at sumisid sa kalaliman ng dagat.

Nitong Mayo 9, Huwebes nang hapon, ang isang lalaking kasakay ko sa jeep sa Lingayen, Pangasinan, bigla ring kumanta, “Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan...”

Wish ko lang na gamiting theme song ng pelikula ni Maureen ang nasabing kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: Ayan na at lumabas na ang magagandang reviews ng pelikulang Kuwaresma na nakakuha ng Grade B sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Sana talaga ay tangkilikin ng tao ang Kuwaresma—the horror film of this season—mas horror pa kaysa sa nangyayari sa ating lipunan talaga!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results