Guesting ni Maine Mendoza sa SPS at TBATS, tinalo ang karibal na ABS-CBN shows?

IMAGE Screengrab from Sunday PinaSaya / ASAP Natin 'To


GORGY RULA: Wagi sa ratings ang guesting ni Maine Mendoza sa dalawang programa ng GMA-7 nitong nakaraang weekend.

Guest co-host siya sa Sunday PinaSaya (SPS) nitong Mayo 12, Linggo, dahil nasa New York pa si Alden Richards.

Naka-5.3% ito laban sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN na 4.8% ang rating, ayon sa AGB NUTAM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinagabihan sa The Boobay and Tekla Show (TBATS), special guest din si Menggay kung saan game na game itong nag-Flying Eagle Dance ala Dante Gulapa.

Nakapagtala ito ng 7.7%, samantalang ang katapat na Gandang Gabi Vice  (GGV) ay 6.6% ang nakuha.

Si Angeline Quinto naman ang guest ni Vice Ganda.

Pero hindi nagawang talunin ng Daddy’s Gurl nina Maine at Vic Sotto ang consistent pa ring mataas na Idol Philippines na pinangungunahan ng celebrity judges na sina Vice Ganda, Regine Velasquez, James Reid, at Moira dela Torre.

Nakakuha ng 13.1% ang Idol Philippines noong Sabado, May 11, at 9.9% lamang ang Daddy’s Gurl.

Noon ding Sabado, nagsimula ang na-reformat at recast ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

Natalo nito ang laging nagri-rate na Pepito Manaloto ng GMA-7. Nakakuha ng 10% ang bagong Home Sweetie Home, at 9.4% ang katapat na sitcom ni Michael V.

Noong Linggo, Mayo 12 ay nabawi ng Daig Kayo ng Lola Ko ang mataas na rating, dahil natalo nito ang Hiwaga ng Kambat ng MayWard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa AGB-NUTAM, nakakakuha ng 8.1% ang Daig Kayo Ng Lola Ko, kung saan ang tampok sa bagong episode nito ay sina Yasmien Kurdi at Manilyn Reynes.

Samantala, nakakuha ang Kambat ng 7.4%.

Consistent pa ring mataas ang Kapuso Mo Jessica Soho na may 17.4%, at 7.3% lamang ang Rated K, at 5.5% ang Pinoy Big Brother (PBB) Otso.

JERRY OLEA: Ayon naman sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Mayo 11, Sabado, nanguna ang Idol Philippines na naka-31.1%, kontra sa Daddy’s Gurl na naka-16.9%.

Pumangalawa ang Home Sweetie Home: Extra Sweet na naka-27.3%, kontra sa Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento na naka-18.7%.

Pangatlo ang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ni Judy Ann Santos-Agoncillo na naka-26.1%, kontra sa Magpakailanman episode ni Angelika dela Cruz na naka-16.4%.

Noong Mayo 12, Linggo, nanguna sa ratings ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-29.6%, kontra sa Rated K na naka-19.4% at sa eviction night ng PBB na naka-11.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumangalawa ang Idol Philippines na naka-27.8%, kontra sa naghihilahod na Studio 7 na naka-14%.

Naka-11.4% ang ASAP Natin ‘To, kontra sa 9.1% ng Sunday Pinasaya.

Naka-21.9% ang Hiwaga ng Kambat, kontra sa 16.1% ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Naka-12.0% ang GGV, kontra sa 10.4% ng TBATS.

NOEL FERRER: Maine is really trying to establish herself as a solo artist (apart from Alden) kaya sana, makahanap siya ng medium na kakapitan siya talaga on her own, katulad ng pagda-Dubsmash niya before.

Teka, kumusta na pala ang recording album niya?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN