Winwyn Marquez, nagsalita tungkol sa hidwaan ng mag-amang Joey at Jeremy Marquez

IMAGE Noel Orsal / Instagram

GORGY RULA: Iniiwasan na sana ni Winwyn Marquez na pag-usapan ang isyu ng kanyang amang si Joey Marquez at ang kuya niyang si Jeremy Marquez na nabigo sa nakaraang eleksyon bilang vice mayor ng Parañaque.

Nakorner ng PEP Troika ang beauty queen-actress sa mediacon ng Kapuso teledrama na Dahil sa Pag-ibig nitong Mayo 15, Miyerkules.

Ayaw niyang magsalita tungkol sa hidwaan ng mag-amang Joey at Jeremy, dahil never daw siyang nagtanong.

Nilinaw lang niyang hindi totoong hindi siya sumuporta, dahil hindi siya nakikita sa mga caucus ng kanyang Kuya Jeremy.

"Tinext ko nga si Kuya, nag-sorry ako na hindi ako nakapunta. Pero I did a video for him, for social media friends niya.

"Palagi ko naman kausap si Kuya Jeremy, e. Even kay Vandolph, hindi rin ako nakaakyat.

"So, hindi nila puwedeng sabihing kay Kuya Jeremy lang," pahayag ni Winwyn.

Pagdating sa isyung hindi pagsuporta ng ama nilang si Joey Marquez sa pagtakbo ni Jeremy, ayaw magsalita ni Winwyn dahil tinitiyak niyang magkaayos ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako nagtatanong talaga kung ano ang nangyayari. Quiet na lang muna ako kung ano ang meron, di ba?

"Basta, I know they love each other so much pa rin. Let’s see kung ano ang mangyayari after the elections.

"Siyempre, yung tatay at yung son naman, kapag hindi nagkakaintindihan, nagkakatampuhan minsan.

"Pero I’m sure, maayos kung ano man yung isyu nila," saad ni Winwyn.

Nagkausap at nagka-text daw sila ng Kuya Jeremy niya, at naintindihan daw nitong hindi siya nakapagkampanya dahil sa schedule niya, lalo na’t tuluy-tuloy ang taping nila ng Dahil sa Pag-ibig, na magsisimula na sa Lunes, Mayo 20.

Mapapanood ito kasunod ng afternoon dramang Bihag, na tinatampukan ng ex-boyfriend ni Winwyn na si Mark Herras.

NOEL FERRER: Nakakalungkot lang ang pagkakahati-hati ng pamilya dahil sa politika.

Totoo kaya ang balitang sinuportahan pa nina Joey Marquez at Alma Moreno yung kalaban ni Jeremy? Napakasakit!!!

On happier news, sasagutin kaya ni Winwyn ang balitang nag-uugnay sa kanila ni Alden Richards?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siya sa napalalaking drama at publisidad na kaakibat nito, kung sakali?

JERRY OLEA: From Blood Money, ginawang Dahil Sa Pag-ibig ang title ng bagong Kapuso teleserye nina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Pancho Magno, at Winwyn Marquez.

Wala na bang maisip na ibang title ang mga Kapuso? Dahil Sa Pag-ibig ang title ng 2012 Kapamilya teleserye nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes, at Maricar Reyes.

Inayawan ni Winwyn ang Kapuso teleseryeng Pamilya Roces dahil mapangahas ang papel na itinoka sa kanya.

So, dito sa Dahil Sa Pag-ibig ay relatively pa-tweetums ang role niya?

Sa teaser, mukhang suporta lang si Winwyn kay Sanya.

Harinawang huwag lamunin ni Sanya nang bonggang-bongga si Winwyn.

Iyong pagli-link kina Alden at Winwyn, huwag na munang ipilit.

Focus na muna tayo sa showing ng KathDen movie, na ngayon pa lang ay more and more na ang ikinakasang block screenings.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN