Vic Sotto, super proud kay Mayor-elect Vico; handa nang mag-Sugod Bahay sa Pasig

by PEP Troika
May 16, 2019
PHOTO/S: @vicosotto Instagram

GORGY RULA: Hanggang ngayon ay hindi pa raw nagsi-sink in kay Vic Sotto na may anak na pala siyang mayor ng Pasig.

Makasaysayan ang pagkapanalo ni Vico, na halos kalahati ang lamang sa nakuha niyang boto laban sa mahigpit na kalaban na si reelectionist Bobby Eusebio.

“I’m happy for Vico dahil he really worked hard for it.

“Six months yata silang nag-iikot, nakipag-usap, nakikipagtalakayan.

"Noong official campaign period, talagang araw-araw sila.

“Nag-break lang sila nung Good Friday at noong Black Saturday. Talagang trinabaho nila nang husto.

“Iyon lang ang paraan sa tingin niya, e, kasi hindi naman namin kayang tapatan ang budget ng City Hall, kaya kailangang idaan na lang namin sa tiyaga.

“Kaya ako masaya for Vico dahil nagtagumpay sila,” pahayag ni Vic nang nakausap namin sa aming radio program na Showbiz Talk Ganern sa DZRH, nitong Mayo 15, Miyerkules ng gabi.

Continue reading below ↓

Sabi ni Bossing Vic, kung kinakailangan ni Vico ang tulong niya para sa ilang proyekto nito sa Pasig, anytime ay tutulong siya.

Pero ang isa sa unang tutuparin niya sa Pasig ay ang mag-Eat Bulaga! doon, dahil tatlong taon din daw silang hindi nabibigyan ng permit kapag gusto nilang mag-Sugod Bahay o "Juan for All, All for Juan."

Saad ni Vic, “Tatlong taon nang hindi kami nakakapasok sa Pasig.

"Ever since na kumandidato si Vico as councilor three years ago, hindi na kami nakakakuha ng permit doon na mag-Sugod Bahay doon, 'Juan for All, All for Juan.'

"For obvious reason, ‘no? Siguro, ayaw nilang sumikat si Vico.

“Ang sa akin naman, e, ang Eat Bulaga! naman, wala namang kinalaman sa pulitika.

“In a way, medyo nag-backfire sa kanila, e, kasi tuwing ako nakatayo sa mga caucus, iyon ang sinasabi ko sa kanila na kapag mayor na si Vico, babalik na ang Eat Bulaga! dito.

Continue reading below ↓

"Kaya tuwang-tuwa sila, naghihiyawan sila," masayang pahayag ng Eat Bulaga! host.

Natatawa naman si Vic dahil ang buong akala niya ay joke lang na ipinagbawal daw sa Pasig ang pagtitinda ng biko.

Kuwento ni Bossing Vic, “Noong una, akala ko joke lang, akala ko lang, tsismis.

"Pero noong nag-iikot na kami, aba’y totoo pala, pinagbabawal na ang pagbenta ng biko!

“Kasi, noong nagpalengke kami minsan, may nagtitinda ng mga kakanin, sabi ko, ‘Wala ba kayong biko?’ ‘Meron po, meron dito sa ilalim.’

“Totoo iyan! Marami ang nagsabi sa akin na totoo talaga na ipinagbawal ang pagbebenta ng biko.

“Kaya, again, nag-backfire sa kanila na kapag ako’y tatayo, sinasabi ko kapag naging mayor na si Vico, makakakain na uli tayo ng biko.

"E, tuwang-tuwa na naman sila, sigawan na naman yung mga Pasigueño.

"Siguro, na-miss nila yung biko.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nakausap din natin ang nasa team ni bagong Mayor Vico, at ang sabi ay focus muna sila sa transition.

"They are monitoring things with vigilance pa rin dahil hindi pa rin maluwag sa damdamin ng mga kalaban nilang Eusebio ang pagkatalo.

"So, kahit proclaimed na ang bagong Mayor, anything can happen bago yung June 30 na turnover at palitan na ng posisyon sa gobyerno!

"Good luck, Vico!"

JERRY OLEA: Hinayaan na lang ni Vico ang pagbabawal noon na mag-"Juan for All, All for Juan" ang Eat Bulaga! sa Pasig.

Katuwiran ni Vico, entertainment ang hatid ng nasabing segment at mas mabuting huwag haluan ng pulitika.

Iyong tatlong magkakasunod na pagpatay ng ilaw sa pangangampanya niya, hindi niya ginawang isyu.

Baka nagkataon lang daw.

Kung bawal ang biko sa Pasig, makabubuti sigurong sa Hunyo 30 ay mamudmod si Bossing Vic ng biko, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @vicosotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results