Sharon Cuneta vs Gerald-Julia vs Keanu Reeves: sino ang magwawagi sa takilya?


JERRY OLEA: Umabot na sa $2.5B ang worldwide gross ng Avengers: Endgame, at may mga sinehan pa ito sa bansa.

Graded A ng CEB ang Between Maybes nina Gerald Anderson and Julia Barretto, na nagbukas sa 180+ cinemas nitong Mayo 15, Miyerkules.

Swabe ang timpla ng pakilig ng 30-anyos na si Gerald at 22-anyos na si Julia.

Graded B naman ang Kuwaresma nina Sharon Cuneta at Kent Gonzales, na nag-open din nitong Miyerkules sa 200 theaters.

Ang ganda-ganda ng role dito ni Kent.

Kasabay ng Between Maybes at Kuwaresma ang opening ng John Wick — Chapter 3 Parabellum ni Keanu Reeves.

Umaatikabo ang aksyon at karahasan dito. Astig na astig!

Ang “Parabellum” ay galing sa 4th century Roman military quote na, “Si vis pacem, para bellum.”

Ang ibig sabihin, “If you want peace, prepare for war.”

NOEL FERRER: Sobrang nag-pull away ang bagong John Wick movie sa mga kapanabayan nitong Filipino films.

Although umabot naman ng millions ang box-office gross ng Between Maybes at Kuwaresma, gusto pa rin nating kalampagin ang mga kababayan nating suportahan ang mga pelikulang sariling atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaayos naman ang mga pelikulang Pinoy na nagbukas this week.

GORGY RULA: Ayon sa ating source, ang target daw na gustong kitain ng Between Maybes ay P100M, at 150M naman sa Kuwaresma.

Ang tantiya nila ay mahigit P2M ang kinita ng mga ito sa first day of showing kahapon.

Sana, may word of mouth para lalo pang pumik-ap sa weekend.

Kailangang kumita ang mga ito at bumalik ang sigla ng mga pelikula natin.

Hindi na nga umepek ang showbiz sa pulitika, pati ba naman ang mga pelikula natin?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN