JERRY OLEA: Three days nag-shoot si Pia Wurtzbach sa Lucban, Quezon para sa second season ng Pia’s Postcards sa Metro Channel (lifestyle channel ng ABS-CBN).
Sa September pa iyon ipapalabas, at “festivals” ang tema niyon.
One of the (if not THE) most colorful of our local festivals ang Pahiyas, at iyon ang unang itatampok sa show ni Pia.
Ipi-feature din doon ang festivals ng iba’t ibang bansa.
Bisperas pa lang ng San Isidro Pahiyas festival noong Mayo 14, Martes, ay nag-shoot na si Pia with Mutya ng Lucban 2017 Pat Babista.
Nag-abang ako kay Pia sa grand parade noong fiesta mismo, pero waley siya.
Ayon kay Rikka Infantado Fernandez, “Nasa balcony si Pia ng isa sa mga bonggang decorated house kaya ang mga kasama sa parade, napapatigil sa harap ng bahay para magpa-picture.”
Ang nasa parada ay si Benjie Paras na hagis kete hagis ng candy.
Namasyal ang Kapuso young actor na si Bruno Gabriel sa Pahiyas kasama ang manager niyang si Neil de Guia.
May dalang kamera si Bruno para magkukuha ng pictures sa mga bahay na may mga dekorasyon.
Sa dami ng fans na nagpapa-picture kay Bruno ay hindi niya halos nagamit ang kanyang digital camera.
Mayo 16, Huwebes, may sightings pa rin kay Pia sa Lucban! Bumisita siya sa Kamay ni Hesus Grotto, sa isang museum, at sa ilang kainan para matikman ang special dishes ng Lucban.
Nag-post din si Pia sa Instagram ng pansit habhab. Humabhab kaya siya?!
Ito naman ang mga nanalong bahay na dinesenyuhan:
Grand Prize
First runner-up
Second runner-up
NOEL FERRER: Alam mo, Tito Jerry, gusto kong sumama sa iyo at ma-experience iyang Pahiyas.
Kaso, napakaraming ganap sa Kamaynilaan tulad ng National Artists Tribute at birthday concert ni Zsa Zsa Padilla (na merong farm sa Lucban, Quezon mismo) nitong Mayo 16, Huwebes.
Hayaan mo, next year, sisikapin kong makadayo riyan para ma-experience ang Pahiyas.
Basta, nandiyan ka lagi para maging tour guide namin, ha... at hindi ba’t maraming kuwento ng mga taga-Quezon na nahahagip bilang potential stars ng ating industriya?
GORGY RULA: Isa sa pinakamakulay talagang puntahan ang Pahiyas, pero masyado na kasing commercialized ngayon.
Kaya nahirapan na rin siguro mag-cover ang TV shows dahil ang daming produktong nakapaskel sa mga ipinaparada.
Si Benjie Paras ang isa sa nagparada roon para sa kumpanyang ini-endorse niya.
Dapat kasama niya si Mommy Dionisia Pacquiao, pero ika-70 kaarawan ni Mommy D nitong mismong araw ng Pahiyas.
Ang isa pang narinig kong tsika, medyo sakitin daw ngayon si Mommy Dionisia kaya hindi ito naglalabas.
In fairness sa mommy ni Senator Manny Pacquiao, bongga pa rin ang endorsement.
Aliw rin sana kung nakiparada siya sa Pahiyas.