National Artists tribute, kinapos sa audience at confetti

by PEP Troika
May 17, 2019
Pinarangalan ang mga Pambansang Alagad ng Sining nitong Huwebes, Mayo 16, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP.
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: Ginanap ang tribute sa mga Pambansang Alagad Ng Sining 2018 nitong Mayo 16, Huwebes, sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ang pitong iniluklok bilang National Artists ay sina cartoonist Larry Alcala, playwright Amelia Lapeña Bonifacio, composer Ryan Cayabyab, architect Francisco Mañosa, historian and literary critic Resil Mojares, fictionist Ramon Muzones, at filmmaker Kidlat Tahimik.

Actually, last year pa sila pinarangalan sa Malacañang, pero kagabi lang nagkaroon ng pagtatanghal honoring their creative works.

That would have given the organizers lead time para pagplanuhan at paghandaan itong mabuti.

In fairness, mahuhusay ang lahat ng mga nagtanghal.

Pero kinulang sa audience.

Kinulang din sa major impact ang videos na nagpaliwanag sana kung bakit sila itinanghal na National Artists.

At sa huli, kinulang din sa confetti.

Oh well, in any case, maganda pa ring naparangalan ang ating National Artists.

JERRY OLEA: The Order of National Artist is the highest national recognition given to Filipino individuals who have made significant contributions to the development of Philippine arts, namely Music, Dance, Theater, Visual Arts, Literature, Film, Broadcast Arts, and Architecture and Allied Arts.

Continue reading below ↓

Ipinagkakaloob ito ng Presidente ng Pilipinas simula noong 1972.

Magkatuwang bilang administrators ng award ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ang Cultural Center of the Philippines.

So far, 73 na ang National Artists ng ating bansa.

Siyempre, nakalulungkot na kapos sa audience at confetti ang parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining nitong Huwebes sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP.

Masyado pa bang abala ang mga tao sa mga kaganapan matapos ang national midterm elections noong Lunes?

GORGY RULA: Bakit ganoon lang ang parangal nila sa National Artists?

Tila kulang sa atensiyon ang gobyerno natin sa pagpapalaganap at pagbibigay halaga sa ating sining.

Sana, mas masigasig pa ang National Commission on Culure and Arts sa projects at activities nila para ma-promote ang ating sining at kultura.

Kung napansin po ninyo, Sir Noel, ang pagtitipid nila sa confetti... sana, hindi naman nakaltasan ang stipend na natatanggap nila.

Nakakahiyang itanong kay Maestro Ryan Cayabyab kung magkano at regular ba niyang natatanggap ang ibinibigay sa kanya bilang National Artist.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinarangalan ang mga Pambansang Alagad ng Sining nitong Huwebes, Mayo 16, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results