Maryo brothers, magre-reunion sa burol ni Daniel Figueroa


JERRY OLEA: Magre-reunion muli ang Maryo Brothers sa Linggo, Mayo 19.

Sama-sama silang bibisita sa lamay ng “brother” nilang si Daniel Figueroa sa San Vicente Chapel ng Gapan, Nueva Ecija.

“2:00 PM kami magkikita-kita sa Pepeton’s,” sabi ni Poppo Lontoc, isa sa Maryo Brothers.

Maryo Brothers ang tawag sa mga artistang lalaki na hinawakan ni Direk Maryo J. de los Reyes (RIP) sa ilalim ng Production 56.

Pumanaw si Daniel nitong Mayo 16, Huwebes, 11:30 P.M., sa edad na 50, dahil sa Stage 5 chronic kidney failure.

Nagda-dialysis ang character actor at nagkatubig ang lungs nito.

Magpi-51 na sana si Daniel sa Hulyo 20.

Bago pumanaw si Direk Maryo J. noong Enero 2018, nakadalaw pa ito kay Daniel kasama sina Orlando Sol, Francis Quintero, at Xyruz Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(L-R) Francis Quintero, Xyruz Cruz, Orlando Sol, Daniel Figueroa, at Direk Maryo J. de los Reyes

Kabilang sa mga pelikulang nilabasan ni Daniel ang Bala at Lipistik (1994), Sa Ngalan ng Pag-ibig (1995), at Abel Morado: Ikaw Ang Maysala (1993) na pawang idinirek ni Maryo J.

Sa Mayo 21, Martes, nakatakda ang libing ni Daniel sa public cemetery ng Gapan.

NOEL FERRER: Our condolences sa mga inulila ni Daniel Figueroa.

I’m sure, habang may reunion ang mga Maryo Brothers dito ay masaya rin ang pagtatagpo ni Daniel sa dating manager niya na si Direk Maryo, at sa katuwang nitong si Jake Tordesillas.

GORGY RULA: Matagal nang hindi aktibo sa showbiz si Daniel Figueroa. Hindi na siya kilala ng bagong henerasyon.

Mas kilala pa ang namayapa niyang manager na si Direk Maryo J. de los Reyes.

Mga kaibigan ni Direk Maryo J ang nakakakilala sa mga dati niyang talent.

Ang maganda lang dito, close ang mga alaga niya kahit hindi na ganoon ka-active ang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikiramay po kami.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN