GORGY RULA: Hanggang ngayon ay matunog pa ring si Alden Richards daw ang maghu-host sa second season ng The Clash.
Pero wala pang sagot sa akin ang mga taga-The Clash kung si Alden na nga.
So far, ang pagkakaalam ko lang ay mananatiling judge pa rin sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.
Kasalukuyang may audition ngayong Mayo 18, Sabado sa Magic Mall MMX Event Center sa Pangasinan.
Magpapa-audition din sila sa Veranza Mall, Gen. Santos City sa Mayo 25; NCC Mall Buhangin, Davao City sa Mayo 26; Robinson’s Place, Iligan sa Mayo 31; at Robinson’s Place, Bacolod sa Hunyo 1.
Open ito sa lahat na Pinoy, lalaki o babae, amateur o professional na mang-aawit, edad 16 pataas.
Sa mga interesado, magdala ng original at photocopy ng birth certificate at isang recent 4R half-body picture.
Kailangan ding maghanda ng at least dalawang kanta with minus-one o USB flash drive.
Sabi ni Direk Bert de Leon na nasa screening panel, “This year, we are looking forward to welcome a fresh batch of talented individuals who have what it takes to earn the title.”
JERRY OLEA: Wish ko lang na i-push pa ng Kapuso Network si Golden Cañedo bago tanghalin ang bagong kampeon sa The Clash.
Sa ngayon kasi ay hindi ko pa masyadong ramdam ang ningning ni Golden.
Meron na ba siyang sariling hit song?
NOEL FERRER: OK naman kung si Alden Richards na ang maging host nito, pero worth considering kung Ai-Ai na lang ang mag-host dahil iba rin ang responsibilidad ng judge—at singing contest talaga ito.
Oo nga, si Golden... ano na ba ang nangyari sa kanya?