JERRY OLEA: Interesting ang line-up ng mga baguhang artista na nominado sa 35th PMPC Star Awards for Movies, na gaganapin sa Hunyo 2 sa Resorts World Manila.
Magkakatunggali bilang New Movie Actor of the Year sina Atom Araullo (Citizen Jake), Darren Espanto (The Hows Of Us), Danzel Fernandez (Otlum), Dennis Garcia (Hapi Ang Buhay), Tony Labrusca (ML), Iyah Mina (Mamu; And A Mother Too), Donny Pangilinan (Walwal), Ricci Rivero (Otlum), Ryle Santiago (Bakwit Boys), at Brandon Vera (Buy Bust).
Magkakalaban bilang New Movie Actress of the Year sina Iana Bernardez (Gusto Kita With All My Hypothalamus), Garie Concepcion (The Lease), Kisses Delavin (Walwal), Mai Fanglayan (Tanabata’s Wife), Ali Forbes (Rainbow’s Sunset), Sanya Lopez (Wild and Free), Winwyn Marquez (Unli Life), Gabby Padilla (Billie and Emma), Heaven Peralejo (Harry & Patty), at Mia Suarez (Hapi Ang Buhay).
Sinu-sino ang llamado? Sinu-sino ang dehado?
Maraming factors na dapat para magwagi sa mga kategoryang ito.
GORGY RULA: Mukhang mahigpit ang labanan nina Tony Labrusca at Atom Araullo sa New Movie Actor of the Year.
Kung si Donny Pangilinan ang wagi, e, alam niyo na?
Sa New Movie Actress of the Year ay mas bet ko si Sanya Lopez, pero kung si Kisses Delavin ang wagi... e, alam niyo na rin?
NOEL FERRER: Salamat sa nominasyon ng 35th PMPC Star Awards for Movies—na at least, credible.
Aabangan din natin ang liistahan ng Eddy’s sa Lunes—at titingnan kung anong press group ang mas komersyal o progresibo.
In any case, ang tanong ko lang, bakit magkaiba pa rin ang kategorya ng indie at mainstream films sa Star Awards?
Hindi ba sinasabi na a film is a film is a film—at binubuwag na ang indie at mainstream divide?
Bakit sa mga acting awards ay napag-isa na, baka naman sa susunod—mala-Virna Lisa na’t MAGKAISA na sa kategorya ng kahusayan ang indie at mainstream, di ba?