Kathryn Bernardo-Alden Richards movie, kakatapos lang ng principal photography

IMAGE Ogie Narvaez Rodriguez


JERRY OLEA: Natapos ang principal photography ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye nitong Mayo 19, Linggo, 8:00 AM sa Sucat, Parañaque.

Mabibigat ang mga eksenang kinunan sa mga bidang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kuwento ni Ogie Narvaez Rodriguez na malapit sa mag-inang Bernardo, “Happy lahat sa set.

“Parang hindi sila napapagod, kasi maganda ang ambiance.

“Parang fiesta nitong Saturday night sa dami ng pagkain. Nagpa-lechon si Kathryn.

“Nagpa-cater si Alden sa Concha’s. May pa-ice cream ang Magnolia.

“Nakabantay ang fans nina Kath at Alden pero behaved sila. Hindi sila magulo. Tahimik lang sila at full support.

“May mga regalo pa silang dala—stuffed toys, drawings, foods, chichirya.

“From different walks of life ang fans. May mga bata at may edad. May mga professional, gaya ng doctors at teachers.

“Dumalaw sa shooting ang dating principal ni Alden. Kumpleto ang GMA team ni Alden na naki-bonding sa mga taga-Star Cinema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present din sa shoot ang ibang cast members, pati si Daniel Padilla na nakasama ni Kathryn sa Sterling event noong Sabado ng hapon sa Market Market.

Mula sa Sterling event ay sinamahan ni Daniel si Kathryn sa shooting sa Sucat hanggang hatinggabi.

Habang kinukunan sina Kathryn at Daniel, masayang nakipagkuwentuhan si Daniel kay Joross Gamboa at sa iba pang mga artista sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Sa wakas, tapos na ang principal photography ng pelikula nila.

Kailan na kaya ang final playdate ng Hello, Love, Goodbye?

Totoo bang after this, ang pelikula naman nina Piolo Pascual at Claudine Barretto ang haharapin ng direktor nilang si Cathy Garcia-Molina, at sa Florence, Italy naman daw ito kukunan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sarap, di ba?

GORGY RULA: Hindi na nga raw nakapag-Sunday Pinasaya si Alden dahil sa inumaga na ito sa shooting.

Mabuti at natapos na rin nila ang shooting.

At least, may sapat na oras sila sa post production at pati sa promo dahil mga end of July pa raw ang target playdate nito.

Marami na ang excited na mapanood ang KathDen movie.

Sabi nga ni Manay Lolit, nag-e-effort siyang manood kapag pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Itong Hello, Love, Goodbye ay talagang panonoorin niya sa sinehan bilang suporta niya kay Alden, at gusto rin niyang pulsuhan ang tandem nina Alden at Kathryn.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN