JERRY OLEA: Kapwa nominado bilang Best Actress sa 3rd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sina Nadine Lustre (Never Not Love You) at Kathryn Bernardo (The Hows Of Us).
Ang limang iba pang nominadong Best Actress ay sina Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Glaiza de Castro (Liway), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Angelica Panganiban (Exes Baggage) at Sarah Geronimo (Miss Granny).
Pito rin ang nominadong Best Actor sa Eddys—sina Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), Daniel Padilla (The Hows Of Us), Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Dingdong Dantes (Sid & Aya: Not A Love Story), Paolo Contis (Through Night and Day), Christian Bables (Signal Rock) at Carlo Aquino (Exes Baggage).
NOEL FERRER: Basing on their choices, mas mainstream ang taste ng Eddys while the PMPC members have more exposure to independent films.
Take note—exposure, but not necessarily preference.
Kasi, compared sa FAMAS and URIAN now, the two press groups are really geared to be more popular in terms of their choices of nominees and yes, even in their past winners, di ba?
Ligwak man sa Eddys sina James Reid (Never Not Love You), Paulo Avelino (Goyo: Ang Batang Heneral), Anne Curtis (Aurora, Buy Bust) and Alessandra de Rossi (Through Night and Day), interesanteng malaman kung ano ang proseso ng grupong nabanggit and with the end view of film education, kung ano ang pagtatasa (review) nila of those award-winning performances sa ibang award giving bodies—para alam natin ang aesthetics na kanilang pinapanigan.
Oh well, to each his own taste, di ba?
Pero more than the results, mas may matututunan tayo kung mas may matatapang na reviews na nadi-discuss ang merits at demerits ng movies, di ba?
Abangan natin ang pasiklab ng parating na award-giving bodies!
GORGY RULA: Tama bang pagkatapos napili ang nominees ay deretsong nagbotohan na sila kung sinu-sino ang mga winners?
Sa mismong araw awarding na lang sana nila buksan at i-tabulate.
Sa ganoong paraan, naiiwasan ang mga lakaran dahil nakaboto na sila.
Hindi ko alam kung may deliberation pa.
Balak sana ng mga taga-SPEED ay kunin si Kris Aquino na mag-host sa awards night.
Pero hindi pa ma-confirm sa ngayon dahil depende ito sa kalusugan ni Kris.
Sa naunang dalawang Eddys, naiiba sa ibang award-giving bodies ang kanilang winners.
Ewan ko lang ngayong taon.
Abangan!