JERRY OLEA: “Pito-pito” ang acting nominees sa 3rd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), kung saan isa ako sa members.
Sa kategoryang Best Supporting Actress, dalawa ay mula sa Rainbow’s Sunset—sina Aiko Melendez at Sunshine Dizon.
Dalawa rin ay mula sa Citizen Jake—sina Max Collins at Cherie Gil.
Ang tatlo pang aktres na nominado sa kategoryang ito ay sina Pinky Amador (Ang Panahon ng Halimaw), Daria Ramirez (Signal Rock), at Nova Villa (Miss Granny).
Sa kategoryang Best Supporting Actor, dalawa rin ay mula sa Rainbow’s Sunset—sina Tirso Cruz III at Tony Mabesa.
Ang lima pang aktor na nominado sa kategoryang ito ay sina Adrian Alandy (Citizen Jake), Arjo Atayde (Buybust), Ricky Davao (Kasal), Joross Gamboa (Ang Dalawang Mrs Reyes), at Tony Labrusca (ML).
NOEL FERRER: Uy, salamat naman sa Eddys para sa nominations ng mga alaga nating sina Adrian Alandy (for Citizen Jake) at Joross Gamboa (for Ang Dalawang Mrs. Reyes) na inisnab ng PMPC Star Awards, FAMAS at Urian.
Kaya sabi nga natin, kanya-kanyang batayan iyan!
Let us see how the results of the entertainment editor’s row will pan out this year. Again, thank you— and good luck!!!
JERRY OLEA: Limang makabuluhang pelikula ang nominadong Best Picture sa 3rd Eddys.
Nominado rin ang respective directors and screenplay ng mga iyon.
Ang pinakamagagandang pelikula ng 2019 para sa SPEEd ay: Citizen Jake (Cinema Artists Philippines), idinirek ni Mike de Leon, screenplay nina Noel Pascual, Mike de Leon & Atom Araullo.
Goyo: Ang Batang Heneral (TBA Studios, Artikulo Uno Productions & Globe Studios), idinirek ni Jerrold Tarog, screenplay nina Jerrold Tarog & Rody Vera.
Liway (Alemberg Ang), idinirek ni Kip Oebanda, screenplay ni Zig Dulay.
Rainbow's Sunset (Heaven’s Best Entertainment), idinirek ni Joel Lamangan, screenplay ni Eric Ramos.
Signal Rock (CSR Productions & Regal Entertainment), idinirek ni Chito S. Roño, screenplay ni Rody Vera.