Lolit Solis, keber sa mga inis at galit sa kanya

by PEP Troika
May 20, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Kilig-kiligan School of Acting si Manay Lolit Solis ngayong Mayo 20, Lunes, sa dami ng bumabati sa kanyang ika-72 kaarawan.

Glorious 72 si Manay Lolit sa dami ng bati kete bati sa kanya, at more & more ang mga regalo.

Ano pa ba ang iwi-wish natin para sa kanya kundi kalusugan, dahil marami-rami na sa kakontempotaryo niya (o mas bata pa sa kanya) ay tegi bumblebee na?!

“Kahit maraming galit o inis sa akin, I can say I lived my life the way I want it,” pa-profound na hanash ni Manay Lolit sa Instagram.

“Take me for what I am, hindi ako nagbago. Kung ano ako nang mag-start, iyon pa rin ako hanggang ngayon...”

View this post on Instagram

Naku Salve ha feeling mega super star of all season ako sa dami ng greetings ko sa radyo. Mula DZBB, DZRH at DZMM may bati ako hah hah kilig kiligan school of acting ang dating ko. Sure ako si Cristy Fermin at Mr. Fu greet din ako sa programa nila. Ang cute talaga, aside from mahilig ako bumati, type ko rin binabati ako. Buong araw ring phone ko, at tuwa ako dahil lagpas 72 na bumati sa akin hah hah. Biro ko nga either 72K, 7200 or 720 ang dapat regalo nila para bongga, edad ko talaga. So nice na inabot ko pa ang edad na ito na kahit marami galit o inis sa akin, I can say I lived my life the way I want it, take me for what I am, hindi ako nagbago, kung ano ako nang mag-start iyon pa rin ako hanggang ngayon. Nagbago pa nga ako dahil hindi na ako masyadong confrontational, hindi na ako mainitin ang ulo, at madali ko ng tanggapin mga kamalian ko. For the love and trust I get from my circle of friends, Thank You. At 72 I really enjoyed and lived my life to the fullest. Iyon darating pang panahon at oras, bonus na iyon from God. Thank you. #takeitperminute #72naako #classiclolita ????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Nang batiin ko si Manay Lolit sa text ng “Glorious 72!” ay nag-text back siya agad, “Glorious Tony Labrusca, ganuon?! Pukingking ka!”

No! Glorious Terrence Romeo, na guest daw nila ni Tita Cristy Fermin sa FB live broadcast bukas nang tanghali?!

Continue reading below ↓

Biro ni Manay Lolit, “Gusto ko, half nude siya pag guest para laway-laway si Vice!”

NOEL FERRER: Already a showbiz icon, Nanay Lolit has touched our lives in so many ways.

But you know how she makes her presence felt?

She is always there not when things are OK, but when the going gets rough and tough!

We love you, Nanay Lolit!!! May we have more adventures when you get to say -- OH MY GOD!!!

At na-test ko na rin ang patience mo... in the midst of black out!!! N

ow, enjoy only sunshine and happiness in your life!!! Happy birthday!!!

GORGY RULA: Nag-e-enjoy si Manay Lolit sa kapu-post sa Instagram kahit ang daming namba-bash sa kanya.

Keber niya sa bashers & haters kapag may ipinagtatanggol siya na taong mahal niya.

Pero ngayong 72 na siya, may isa pang career na type niyang pasukan.

Gusto niyang maging food vlogger para marami siyang food na regalo.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Lolit Solis, Terrence Romeo
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results