AJ Muhlach, ikinasal na sa kanyang longtime girlfriend

by PEP Troika
May 20, 2019
PHOTO/S: @adrian_alandy Instagram / Nice Print Photo

NOEL FERRER: Ngayong birthday niya mismo, May 20, ginanap ang wedding ni AJ Muhlach sa kanyang longtime girlfriend na si Anna Patricia Mabasa.

Si Adrian Justine Aquino Muhlach or AJ Muhlach ay anak nina Alvaro Muhlach at Janet Rivera. Half-brother niya si Aga Muhlach, na anak ni Alvaro kay Anita Aquino.

Si AJ ay dating member ng boy band ng Viva na XLR8.

Umarte siya sa ilang teleserye ng TV5 kabilang ang P.S. I Love You and Bagets Just Got Lucky noong 2011.

Aside from his guestings on TV, huli ko siyang napanood sa ABS-CBN teleserye na Blood Sisters.

JERRY OLEA: Cheers! Mabuhay ang bagong kasal!

Hangad natin ang kaligayahan ni AJ sa bagong kabanata ng kanyang buhay!

GORGY RULA: Di ba, si AJ pa ang partner dati ni Nadine Lustre sa P.S. I Love You ng TV5?

Ang career ni Nadine ang umalagwa at nanatiling pang-support si AJ.

Sana, maging suwerte ang asawa ni AJ sa kanyang showbiz career kung ipagpatuloy pa niya ito.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @adrian_alandy Instagram / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results