Superstar Nora Aunor, mananatiling People's National Artist

by PEP Troika
May 21, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: 66th birthday ng ating Superstar Nora Aunor ngayong araw, May 21.

Para sa akin, dapat noon pa’y National Artist na siya, kung hindi lang na-bypass ng dalawang Presidente.

Magpaganun pa man, mananatili siyang People’s National Artist para sa akin.

Huli natin siyang napanood sa Onanay sa GMA-7, at ang mga tagahanga niya ay naghihintay sa susunod niyang proyekto.

Sana matuloy na rin yung pagnanais niyang makapagdirek ng pelikula.

Kaya niya iyan dahil sumubok na siya noon sa The Greatest Performance of My Life.

At sa tulong ng kanyang mga kaibigan sa pelikula, siguradong sasakanya ang suporta na kailangan niya.

On a personal note, isa rin ako sa naghahangad na magka-bonding ulit sila bilang pamilya.

Napakalaki ng puso nila at naranasan ko ang lalim nila kung magmahal.

Sana talaga, mapagbuklod sila ng pagmamahal nila na naroroon din lang naman sa mga puso nila.

Happy birthday, Ate Guy!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Suporta lang si Nora kay Jo Berry sa Onanay, pero malaki ang naiambag niya sa ikagaganda ng teleserye.

Sana magkaroon siya ng pelikulang kumita sa takilya.

Sana rin, iyong dating bahay niya sa Iriga City ay maging museum ng kanyang memorabilia. Super-birthday, Ate Guy!

GORGY RULA: Si Nora Aunor ang isa sa paparangalan ng PMPC sa 35th Star Awards for Movies sa June 2.

Ito yung Natatanging Bituin ng Siglo na ngayon lang nila ibibigay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial Year of Philippine Cinema.

Kasama niyang paparangalan sina Eddie Garcia, Anita Linda, Susan Roces, Gloria Romero, Ramon Revilla Sr., Joseph Estrada, Christopher de Leon, Phillip Salvador, Tirso Cruz III, Niño Muhlach, at Vilma Santos.

Happy birthday sa nag-iisang Superstar ng Philippine Showbiz!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results