Pinoy films, di uurungan ang malalaking Hollywood movies

by PEP Troika
May 21, 2019

JERRY OLEA: Nanguna sa takilya ng North America last weekend (Mayo 17-19) ang bagong bukas na John Wick Chapter 3 — Parabellum.

Ang opening weekend gross ng nasabing movie ni Keanu Reeves ay $56.8M.

Matapos manguna sa tatlong magkakasunod na weekend, pumangalawa na lamang ang Avengers: Endgame, na humamig ng $30M mula Friday hanggang Sunday.

So far ay $771.4M na ang domestic gross nito. Ang worldwide gross ng Avengers: Endgame ay umabot na sa $2.62B.

Konting kandirit pa at kakabugin na nito ang record ng Avatar na $2.79B.

Bukas, May 22, ay palabas na sa mga sinehan ng Pilipinas ang Aladdin, kung saan tampok si Will Smith bilang genie.

Continue reading below ↓

(L-R) Keanu Reeves in John Wick 3, Robert Downey Jr. in Avengers: Endgame, and Will Smith in Aladdin

Kasabay nito ang showing ng The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story, na pinagbibidahan nina John Estrada at Ara Mina.

Sa Mayo 29 ipapalabas ang Finding You (bida sina Jane Oineza at Jerome Ponce) at Quezon’s Game (bida sina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro).

NOEL FERRER: Double or triple or mas marami pa talagang effort ang kailangan para sa local films upang makintal sa public consciousness na showing na ito, at dapat talagang suportahan ng ating mga kababayan.

Better than the others ang box-office performance ng Sharon Cuneta (Kuwaresma) at Julia Barretto-Gerald Anderson (Between Maybes) movies, pero ang layo ng agwat nila sa John Wick 3.

Continue reading below ↓

Sana talaga, masuportahan pa ng ating mga kababayan ang mga pelikulang Pilipino. Sana talaga.

Sayang, e, magaganda pa naman.

GORGY RULA: Mukhang happy na ang taga-Reality Entertainment sa box-office results ng Kuwaresma.

Pero baka hindi maabot ang tina-target nilang P150M.

Maganda ang feedback sa pelikula nina Sharon Cuneta at Kent Gonzales, at pinuri naman ang acting nila.

Pati sa Between Maybes ay maganda rin ang review sa pelikulang ito nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Sana mahabol ko pa ito sa mga sinehan.

Magaganda naman ang karamihang gawa ni Direk Jason Paul Laxamana.

Dapat ay bukas na ang showing ng Kiko en Lala ni Super Tekla, pero na-move pala ito ng next month.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results