Benjie Paras, tseke ang birthday gift kay Lolit Solis

by PEP Troika
May 22, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Waley ang basketbolistang si Terrence Romeo sa 14th episode ng Facebook live show nina Manay Lolit Solis at Tita Cristy nitong Mayo 21, Martes ng tanghali.

“Alam mo ba kung sino ang ka-birthday ko kahapon? Yung kanyang nag-iisang anak!” maigting na bulalas ni Manay Lolit.

“Iyong one-year-old. Ka-birthday ko siya, May 20.

"Kaya parang naniniwala na akong sa past life ko, dyowa ko si Terrence!"

Basketbolista rin ang pumalit kay Terrence bilang guest nina Manay Lolit at Tita Cristy sa Take It... Per Minute—ang alaga ni Manay Lolit na si Benjie Paras.

Nang usisain si Benjie kung sinu-sino para sa kanya ang tatlong pinakamagagaling na Pinoy basketball players ngayon, ang ikalawang binanggit niya ay si Terrence.

Tseke ang regalo ni Benjie kay Manay Lolit, na katumbas ng TF (talent fee) ni Manay Lolit sa sampung episode ng Take It... Per Minute.

“Dati, mamahaling regalo ang gift ko sa kanya. Kaso, inireregalo rin niya sa iba.

Continue reading below ↓

"Muntik na ngang bumalik sa akin iyong gift ko sa kanya," sabi ni Benjie.

Inurirat din si Benjie tungkol sa love life ng mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras, na parehong nakakontrata sa GMA Network.

Aniya, walang naikukuwento ang dalawa tungkol sa mga girlfriend-girlfriend.

Ang paalam lang daw ng mga ito sa kanya ay “going out with a friend.”

Si Benjie sana ang gaganap bilang tatay ni Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Bisi-bisihan si Benjie kaya napalitan siya ni Lito Pimentel.

May ibang movie pa namang gagawin si Benjie sa Star Cinema.

Siyangapala, kasama rin nina Manay Lolit at Tita Cristy sa FB live show si Mr. Fu.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Masaya si Manay Lolit sa selebrasyon ng 72nd birthday niya dahil dumating ang mga regalo mula sa inaasahan niyang mga malalapit na kaibigan at mga alaga.

Kinukulit siya ng mag-asawang Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado na maghanda kasama ang close friends dahil sinasabi niya noon na okay siyang magpa-party basta makalabas lang si Bong sa Camp Crame.

Pero nagbago ang isip ni Manay Lolit.

Perahin na lang daw kung sino ang gustong magpa-lunch o magpa-party sa kanya.

Kahit magbiyahe ay napapagod na rin siya. Kung keri pa ng katawan niya, baka sasali siya sa pilgrimage sa Holy Land.

NOEL FERRER: Bawat dagdag na taon ay blessing and we’d want more for Nanay Lolit!

Nakakaloka ang blind item nila sa FB live show about that male singer na bumili ng tuta na pati may ari ng tuta ay tinikman, ha?!

We’ll continue supporting Nanay and all her endeavors.

Continue reading below ↓

Happy birthday talaga!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results