Launching movie ni Alma Moreno, mapanood sana ni Loisa Andalio

by PEP Troika
May 23, 2019
PHOTO/S: Video 48 / Instagram

JERRY OLEA: Ika-60 kaarawan ni Alma Moreno sa Mayo 25, Sabado.

Wish ko lang na dumalo siya sa pagpapalabas ng launching movie niyang Ligaw Na Bulaklak (1976) sa Sabado ng 2 P.M. sa Tanghalang Manuel Conde ng CCP.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heritage Month at centennial ng Philippine Cinema, nagpupugay ang Society of Filipino Archivists for Film, Filipino Heritage Festival Inc., at CCP Media Arts Division sa National Artists for Film na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.

Continue reading below ↓

Nauna nang ipalabas sa CCP ang obra ni Brocka na Gumising Ka... Maruja (Maruja) noong Mayo 4, at sa Sabado ay ito namang pelikula ni Bernal na Ligaw Na Bulaklak.

Free admission po ito. First-come, first-served.

Ewan kung interesado si Winwyn Marquez na panoorin ang pelikula ng kanyang ina.

Pa-tweetums kasi si Winwyn kaya nag-back out noon sa Kapuso teleseryeng Pamilya Roces.

Wish ko lang na manood ng Ligaw Na Bulaklak si Loisa Andalio, na handa nang maging mapangahas sa kanyang pagganap.

Sa kanyang kasariwaan at pagiging mukhang inosente, keribels niyang maging bagong Alma Moreno.

Puwede ang 20-anyos na si Loisa sa remake ng Salome (1981) na pinagbidahan ni Gina Alajar, sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Si Alma ang first choice para magbida sa nasabing pelikula.

NOEL FERRER: Si Loisa Andalio talaga?

Dahil itinuturong bida siya sa mapangahas na video na kumalat?

Mapapantayan ba niya ang level ng pagka-masining na pag-arte ni Gina Alajar sa Salome?

Continue reading below ↓

Maipu-project ba niya ang tamang timpla ng emosyon habang sinisigawan, “Salot ang babaeng ‘yan! Salot!”

Mahirap yun, ha?! Good luck!

GORGY RULA: Mabuti iyan para makilala na rin finally ni Loisa si Alma Moreno.

Yun lang, walang panama si Loisa sa alindog ni Alma noong kabataan nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Video 48 / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results