Alex Gonzaga at Paranaque Mayor Edwin Olivarez, tapos na ang tampuhan

IMAGE Pits Torena Santos Facebook


JERRY OLEA: Personal na nag-sorry si Alex Gonzaga kay Parañaque Mayor Olivarez Edwin Olivarez nitong Mayo 23, Huwebes ng umaga, sa upisina nito.

Sa Facebook live ni Weng Jalmasco Santos ay magiliw na hinarap ni Mayor Olivarez si Alex at nakipagbiruan pa rito.

Ang tulay para humingi ng paumanhin si Alex kay Mayor Olivarez ay si Jenny Quizon, na asawa ni Councilor Vandolph Quizon.

Barangay captain ng Tambo, Parañaque si Jenny.

Ayon sa source ng PEP Troika, last week pa kinausap ni Jenny si Mayor Olivarez na gustong mag-apologize ni Alex in person.

Dagdag ng aming source, “Cool lang si Mayor noong nabalitaan niya at napanood ang video ni Alex kaugnay sa isyung madugas.

“Tatawa-tawa lang si Mayor Olivarez. According to him, part ito ng politicking.

“Iyong supporters niya ang galit galit na kay Alex, at nagpu-push sa city council na ideklara si Alex na Persona Non Grata sa Parañaque.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban kay Jenny, kasama ni Alex sa pagsadya kay Mayor Olivarez ang guwapong boyfriend niyang si Mikee Morada.

NOEL FERRER: All’s well that ends well. Ganyan sana ang makuha nating mga balita.

After the elections, we deserve better news than another Bikoy.

We should unite and move on and move forward as a nation. And stop the hate!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Good move kina Alex Gonzaga at Mayor Olivarez.

GORGY RULA: Si Alex ay endorser ng party-list na Juan Movement, kaya sabi ni Arnell Ignacio na spokesperson nito, kung hindi natuloy si Alex sa pakikipagkita kay Mayor Olivarez, sila na mismo ang hihingi ng paumanhin.

“Alam nyo naman si Alex, ganoon lang talaga iyun, talak lang nang talak, kaya sana naman marinig ni Mayor on her behalf kahit hindi pa kami nag-uusap.

“I’m sure, magsu-sorry naman ‘yan,” pakli ni Arnell nang nakatsikahan namin sa radio program namin sa DZRH kamakalawa ng gabi.

Unfortunately, hindi nakapasok ang party-list na ito at hindi rin nakatulong ang isyung iyun ni Alex.

Totoo bang ang ibinayad ng Juan Movement sa endorsement na ito ni Alex Gonzaga ay umabot sa P4M?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN