Box-office report: Mayor Halili movie ni John Estrada, umubra ba sa Aladdin?

by PEP Troika
May 23, 2019

JERRY OLEA: Umaatikabong aksiyon ang hatid ng John Wick Chapter 3 Parabellum, at wagi ito sa takilya ng Pilipinas nang mag-open noong Mayo 15.

Nitong Mayo 22, Miyerkules, ay Aladdin naman ang nag-open sa theaters ng lupang hinirang, kasabay ang pelikula ni John Estrada na The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.

Harinawang showing pa rin ang “Last” movie ni John at hindi nag-first day, last day sa mga sinehan.

Sa Mayo 29, mag-o-open sa mga sinehan ang Quezon’s Game (Raymond Bagatsing & Rachel Alejandro), Finding You (Jerome Ponce, Jane Oineza & Barbie Imperial), at Banal (Bianca Umali, Miguel Tanfelix & Andrea Brillantes).

Makakasagupa nila ang Godzilla II: King of the Monsters.

Tatlong halimaw ang katunggali rito ni Godzilla—sina Mothra, Rodan, at King Ghidorah.

Kapana-panabik kung paano pababagsakin ni Godzilla ang mga kalaban.

NOEL FERRER: Base sa theater owners at bookers, P20.7M ang first day gross ng Aladdin.

Itong The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story ay walang significant record sa theater owners sa sobrang baba noong unang araw.

Continue reading below ↓

Nakakaawa ang pelikulang Pilipino!

GORGY RULA: Parang kapos sa promo ang mga pelikulang ito.

Sana may suwertehin kahit isa sa mga pelikulang iyan.

Ito kasing Mayor Antonio Halili Story, nanganganib nang matanggalan ng mga sinehan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results