Kris Aquino nilalaro lang si Willie Revillame?

by PEP Troika
May 25, 2019
PHOTO/S: Main: Screengrab from Wowowin via GMA Network Facebook | Inset: @krisaquino on Instagram

GORGY RULA: Hindi sumagot si Willie Revillame nang tinext ko kung may balak ba siyang ligawan si Kris Aquino.

Nasaksihan mismo ng audience ng Wowowin nang tinawagan ni Willie si Kris sa telepono na nasa Singapore pala noong mga oras na iyun. Noong nakaraang Sabado, Mayo 18 tinape ang episode na yun at noong Miyerkules, Mayo 22 ito umere sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Gusto lang sana ni Willie na ipakilala ang contestant na is Krissy Achino, ang gumagaya sa boses at pagsasalita ni Kris Aquino. Pero walang kamalay-malay si Kris na live palang napapakinggan ng audience ang pag-uusap nilang dalawa.

Sabi ni Kris, “Nakakaloka ka, Willie. You did not even warn me. Alam mo, I almost said na hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba.

“Because ikaw lang ang tanggap ng dalawang anak ko.

“Sinabi nila na, ‘Si Tito Willie will like you, Mama, not because of your money, because he’s richer than us,” sabi ni Kris na ewan ko kung pabiro yun at type lang niyang i-playtime ang Wowowin host.

Pero bago natapos ang kanilang pag-uusap kasama ang impersonator ni Kris, humirit uli itong si Willie lang daw ang gusto ng anak niyang si Josh na maging stepfather.

Sinabi pa kasi ni Kris na isang ring lang, sinagot daw agad ang tawag niya kahit nasa Singapore ito at nagpapa-check up.

Continue reading below ↓

“Tingnan mo, ha? Isang ring lang, sinagot kita agad,” sabi ni Kris.

“Paano pa kapag nanligaw na, e di mas sagutin, di ba?” hirit ng impersonator na si Krissy.

“Tama!” sambot ni Kris.

“Gusto ko talagang merong sure akong merong mamahalin si Kuya Josh. Kaya huwag na nating patagalin.

Continue reading below ↓

“Pag liligawan mo ako, June 4, sasagutin na kita. Yun na ang birthday gift ko kay Kuya Josh. Matutupad na ang pangarap niya na si Willie Revillame, naging stepfather niya,” sabi pa niya na walang nasagot si Willie kundi tumawa na lang nang tumawa.

Parang napakadesperada raw ni Kris, reaksyon ng ilang netizens. Meron namang naaliw sila sa pag-uusap na yun na tingin nila, pinaglalaruan lang ni Kris si Willie. May nagsasabi ring halatang hindi type ni Willie si Kris, kaya wala na siyang masabi kundi tumawa na lang.

Sa tingin ninyo, mga ka-Troika, naglalaro lang si Kris para may bago na namang pag-usapan sa kanya?

JERRY OLEA: Matagal at malalim na ang friendship nina Kris at Willie.

Noong parehong nasa ABS-CBN pa sila, lumutang ang posibilidad na maging magkatuwang sila bilang hosts sa isang game show.

Nabalita rin na gagawin ni Willie ang makakaya niya para makabalik si Kris sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Di ba, there was a time na tuwang-tuwa si Josh nang dalawin siya ni Willie at isama sa luxury car nito?

NOEL FERRER: No comment ako riyan. Next item please.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Main: Screengrab from Wowowin via GMA Network Facebook | Inset: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results