Pauleen Luna, todo-suporta kay Vic Sotto sa MMFF 2019 entry nito

by PEP Troika
May 25, 2019
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

GORGY RULA: Isang linggo nang hindi napapanood sa Eat Bulaga si Pauleen Luna dahil sa on and off ang lagnat niya.

Ang ikinaloka niya, umabot ng 40 degress ang lagnat niya kaya hindi na siya lumalabas ng bahay.

Ang ikinatakot ng actress/TV host, baka dengue na naman ito na dalawang beses na niyang pinagdaanan.

Bahagi ng post niya sa Instagram kamakailan, “I’ve had dengue before, twice, to be exact. And now that my numbers are playing from 37-39C, I am scared to just think that I have dengue, again. (They said the 3rd one is fatal).”

Kaya tinext ko siya nitong Mayo 25, Sabado ng umaga kung magaling na ba siya at makakapag-Bulaga na. Hindi pa raw.

Pero nawala na raw ang lagnat niya.

Sana, tuluy-tuloy na raw ito.

Kaya biniro ko siya na sana hindi ito dengue dahil Hall of Famer na siya sa naturang sakit.

Continue reading below ↓

“Tama! Pero magpa-CBC pa ulit ako today. Grabe kasi iyung lagnat ko, on and off talaga, at nag-40C! Ano ba naman iyun!

“Ang hassle lang, di ko maalagaan pamilya ko,” text back niya sa akin.

Kaya malalaman niya sa pangalawang blood test niya kung may dengue ba siya o wala.

Sana, tuluy-tuloy na ang paggaling ni Pauleen.

Tumutulong din siya kasi kay Bossing Vic Sotto sa pagpili ng magandang material na isa-submit nila sa Metro Manila Film Festival.

So far, wala pa kasing napiling magandang material si Bossing Vic na pang-MMFF dahil gusto niya talaga ang bagong kuwento, at bagong kumbinasyon na hindi pa niya nagagawa.

“Sa kasalukuyan, may mga pini-pitch sa akin na mga konsepto.

“Nagde-desisyon pa kami ng mga konsepto kung ano ang aming gagawin.

“It has to be different kasi sa huli kong ginawa, sa iba kong nagawa.

“Dapat iba naman. Parang Pasig lang yan, iba naman,” napapangiting pahayag ni Bossing Vic nang nakatsikahan namin kamakailan.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Naku, sa Mayo 31 na ang deadline ng script submission sa MMFF 2019!

Sana, habang nagpapahinga sa bahay, si Pauleen na lang ang pumili ng magandang materyal para kay Bossing Vic ngayong taon.

Espesyal sana dahil 45th Anniversary ng MMFF na nataong 100th year of Philippine Cinema.

Exciting ang taong ito dahil ang Taguig ang sponsoring city (celebrating the 15th anniversary of their cityhood) at ang awarding ay sa Cultural Center of the Philippines na nagdiriwang ng kanilang 50th Anniversary.

Sana, magaganda talaga ang MMFF entries!!!

JERRY OLEA: Ano kaya kung gumawa si Bossing Vic ng gay role na may pagka-seryoso?

O kaya, something biographical?

Inaasam natin na magbida siya sa isang tanging pelikula para sa Centennial ng Philippine Cinema!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results