G! LU Boys, a case of "one of those things is not like the other"?

by PEP Troika
May 26, 2019
PHOTO/S: @derrickmonasterio on Instagram

JERRY OLEA: Pasiklaban ng abs sina Teejay Marquez, Ruru Madrid, David Licauco, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, at Kiko Estrada sa pelikulang G! LU na sinu-shoot sa La Union.

“Pick ur poison,” tweet ni David, na dalawang beses bawat araw kung mag-work out. Si Derrick, nangangarap maging Sexiest Man in the World. (Hindi ba the Universe, rather?) Agaw-eksena ang papel dito ni Teejay. Mapangahas! Si Ruru, kahit nali-link na kay Bianca Umali e bet na bet pa rin ng hot babes. Ano ang taglay niyang pambihira? Si Enzo ang pinaka-kuya nila, at pinakamayaman sa karanasan. Sa tunay na buhay ay yayamanin siya.

Teejay Marquez, Ruru Madrid, David Licauco, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, Kiko Estrada

Continue reading below ↓

Naku, baka masapawan nang husto si Kiko? Natawa si Kiko nang makausap namin sa storycon noong Marso 19.

“Sabi sa amin, lahat kami, bida! Maganda naman po yung role. Ako yung nagna-narrate. Ako yung thread.”

Bench Bodies silang mga bida sa movie. Pagandahan ng katawan! Napangiti si Kiko, “Pwede ba, pagandahan na lang ng mukha? Ha-ha-ha-ha!”

Itanong na lang kaya natin sa Mahiwagang Salamin?

“Mirror, Mirror on the wall... who’s the yummiest of them all?”

NOEL FERRER: Hindi ba’t it’s a case of "one of those things is not like the other"? Alin, alin ang naiba sa beefcake dudes na yan?

Sabi ng ilang netizens, may isa raw riyan na mahilig magpa-bottom? Or magpa-bottom’s up? How true? Ow, interesting...

GORGY RULA: Hindi ito horror movie, pero isa ito sa mga pelikulang kinatatakutan ko.

Sana mapag-isipan nang husto ang promo para mapansin at magkainteres ang mga taong panoorin. Wala kasing dating ang title—ma-GULO na pag nirambol ay pa-LUGI.

Continue reading below ↓

Baka may makapag-suggest ng magandang subtitle?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @derrickmonasterio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results