Movie icons, pararangalan sa 3rd Eddys

by PEP Troika
May 27, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea

JERRY OLEA: Magpupugay ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa 10 Movie Icons sa 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) sa Hulyo.

Ang 2019 EDDYS Icon honorees ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda, at Lorna Tolentino.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd, katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño, ang ilang “unsung heroes” sa likod ng kamera.

Sila ang mga manggagawa na nag-aalay ng oras, lakas, at talento upang pagandahin ang isang proyekto sa loob ng mahabang panahon.

Honorees sa Parangal Sa Sandaan sina LVN Pictures’ Maroth de Leon, Premiere Productions’ Digna Santiago, Sampaguita Pictures’ Marichu Vera-Perez Maceda, Armida Siguion-Reyna, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, at Rosa Rosal.

Continue reading below ↓

Kikilalanin din ang tatlong major studios na nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong player sa industriya—ang Sampaguita Pictures, LVN Studios, at Premiere Productions.

NOEL FERRER: Maganda ang mga ganitong parangal dahil dito nagkakasama-sama ang awardees.

Nagiging star-studded din ang gabi dahil sa kanila.

Sana, from among their ranks will come someone who will take good care of the Actors Guild once again now that the President of the Guild, Imelda Papin, will be so busy with her work as Camarines Sur vice governor na.

From among the awardees na producers, gusto nating makuha ang wisdom nila kung paano mahikayat muli ang moviegoers na manood ng pelikulang Pilipino sa mga sinehan.

At ano na kaya ang stand nila sa Friday opening date ng mga pelikula. Kailan ba maipapatupad yun?

In the end, ang dalangin kasi natin... ang mga pelikulang deserving ng artistic awards ay maging box-office winners din, di ba?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Isandaang taon na ang Pelikulang Pilipino. Saan ito hahantong?

Kung aabot man ng mahigit 100 ang local films na ipalalabas ngayong taon, iilan lang doon ang tinangkilik ng mga tao?

Tama rin namang bigyan ng parangal ang mga taong nagkaroon ng malaking bahagi sa ating industriya.

Pero ano pa ang puwedeng gawin para manatiling masigla ang movie industry pagpasok ng ika-101 na taon?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results