Fanny Serrano, pinuna ang hitsura ng lead stars sa mga teleserye ng ABS-CBN, GMA-7

by PEP Troika
May 27, 2019
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA: Naubos ang pagtitiis at pagtitimpi ng veteran actor/make-up artist/hairstylist na si Fanny Serrano.

Hanash ni TF (term of endearment kay Tita Fanny) nitong Mayo 26, Linggo, sa Facebook:

“Nananawagan po ako sa lahat ng producers at directors ng mga teleserye sa Channel 2 at 7 na bigyan nyo naman ng panahon na pansinin mabuti ang mga makeup, hairstyle at wardrobes ng mga leading stars nyo!

“Please naman! Sa totoo lang, malaki ang responsibilidad ninyo na silipin sa monitor kung ano ang tamang image ng character portrayed ng mga artista nyo.

“Kailangan ba na naka-full makeup kahit nasa loob ng bahay at matutulog na o kaya magluluto o maglalaba?!! Ano ba?!

“Dapat bang naka-todong contour ang blush-on, lipstick at naka-false eyelashes ang isang mahirap na character nyo? Hellooooo!!!”

Ang punto ni TF, nakaka-distract sa eksena ang ayos o itsura ng karamihan sa mga lokal na artista.

Continue reading below ↓

Dagdag ni TF, “Hindi ko nilalahat, ok. Meron din naman na nakakalusot sa paningin ko!

“Hindi ako nagmamarunong pero dahil nasanay na ako at tumanda sa trabahong ito na pinag-aaralan kong mabuti ang kaila-ilaliman ng character ng artistang pinahahawakan sa akin para sa kanyang role sa isang teleserye or pelikula...

“Hanggang sa minsan ay nagwo-walkout ako dahil mismo iyung artistang pinahahawakan sa akin ay hindi rin naiintindihan ang kanyang role at feeling niya ay basta lagi siyang maganda para raw sa fans niya kahit ang role niya ay tindera lang sa palengke.”

Nagbigay ng halimbawa si TF ng mga palabas mula sa Japan at South Korea kung saan makatotohanan ang mga imahe ng mga karakter—nars o pasyente, madre o tomboy, o tunay na yayamanin.

Final verdict ni TF, “Pinoy teleseryes... Magpakatotoo naman kayo!!!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Tama ang mga punto ni TF (Tita Fanny) about glossing over the makeup and making it believable.

Hindi puwedeng sabihin na porke mabilisan ang trabaho ay puwedeng todo-pasa na lang lahat. Attention to details ang kailangan.

Paano iyan, TF, buhayin na lang kaya natin ang ating show na produced ng Megastar para mag-iba ang mood mo at masasabi mong “It’s A Fanny Day!”

GORGY RULA: May karapatan si Tita Fanny na mag-post ng ganoong komento sa social media.

Pero minsan isipin din sana kung masagasaan ba ang mga kabaro mo sa make-up department.

Ako kasi, bilang reporter, ayokong magbigay ng opinyon ko sa publisher at editor sa inilalabas nila sa diyaryo kung tingin ko ay madadamay ang kapwa reporters.

Parang off din sa isang beteranong artistang magbigay ng komento sa producer at direktor ng pagbibigay ng role sa isang artista.

Nakakahiyang may masasagasaan kang kasamahan sa trabaho.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Fanny Serrano, ABS-CBN, GMA-7
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results